Chapter 01: Path
"Panigurado akong magaling 'yan sa kama pero sa tingin ko ay hindi na rin makakapag-asawa. Laspag na laspag na 'yan oh!"
Halos ipikit ko na ang mga mata ko at punitin nalang ang tenga ko dahil sa mga naririnig kong ugong-ugong ng mga lalaking nadadaanan ko.
Naiyukom ko ang kamao ko at balak nalang silang iwasan dahil sa palagay ko ay umaga palang ay lasing na sila, hindi ko naman sila maiiwasan dahil sa nasa harap sila ng tindahan na balak kong bilhan ng shampoo.
"Pabili po" kinatok ko ang limang piso sa isang bakal na dahilan para gumawa ito ng ingay para malaman naman ng tindera na may bumibili sa tindahan niya.
"Mukhang mamaya ay may customer nanaman siya sa club, uungol nanaman 'yan" ang sabi ng isang lalaki na dahilan para mapayuko nalang ako habang naka-harap sa tindahan na balak kong bilhan, puwede bang manahimik nalang sila?
"Isasangla niya nanaman ang sarili niya, hindi ba siya nahihiya sa katawan niyang binabandera niya sa mga customer niya?" kulang nalang ay itatak nila sa puso ko ang pagiging isang sex worker ko.
Sa tingin ba nila madali ang ginagawa ko, sa tingin ba nila masaya ako sa ginagawa ko?
"P-Pabili po..." naramdaman ko ang pag-garalgal ng boses ko na para bang sumasakit ang lalamunan ko dahil sa pag-pipigil ng luha na lumabas sa aking mga mata, wala na silang ginawa kung 'di ang pag-usapan ko.
Sa tingin ba nila ay uunlad sila kung iinom lang sila diyan at pag-kwekwentuhan ang babaeng kagaya ko?
Kumatok muli ako sa bakal at iyon na ang dahilan para lumabas na ang tindera na si Aling Beng "Oh, ano ang kailangan mo Sienna?" mataray na tanong niya sa akin, hindi naman ako nagulat sa inasta niya dahil ganyan naman siya palagi.
"Pabili po ng shampoo" ang sabi ko at palihim kong sinilip ang mga lalaking nag-sisiinuman sa likod ko, napalunok ako at halos takpan ko ang puwetan ko dahil sa tingin ay nandoon ang atensyon nila na para bang may ginagawa silang kabastusan sa akin sa isip nila.
Ibang klas rin pala kayo, pati sa isipan niyo ay pinag-papantasyahan niyo ako ng madudumi niyong imahinasyon.
"Oh ito, syete 'yan" nilapag ko naman ang mga barya sa kamay nito, binigay niya ang shampoo na binili ko at akmang mag-lalakad na ako ng biglang may humapit sa braso ko na dahilan para manlaki ang mga mata ko.
Nakita ko si Mang Gregor na siyang humapit sa braso ko na dahilan para sobrang dikit ng katawan ko ngayon sa kanya, nakita ko ang pag-basa niya sa kanyang dila na dahilan para matakot ako. Tangina, ano bang klaseng mga lalaki 'to?
"Sienna..." halos manginig ang ibabang labi ko ng unti-unting mawala ang kanyang kamay sa braso ko at napunta ito sa puwetan ko, dapat ang kalasingan hindi pinupunta sa utak!
Lumapit ang kanyang bibig sa tenga ko at halos umiyak nalang ako marahil sa kahit na maraming tao ang nandito sa squatters area ay wala man lang nag-lalakas loob na tulungan ako sa mga lalaking hinihipuan ako.
Hindi ka pa ba sanay, Sienna? Lagi naman nilang ginagawa 'yan sa mga utak nila pero bakit natatakot ka pa rin?
"Paisa nga..." ang bulong niya na dahilan para manlaki ang mga mata ko, alam ko ang tinutukoy niya at halos itaboy ko na ang sarili ko sa kanya dahil sa kabastusang pinapa-iral niya sa akin.
"Lumayo ka nga sa akin!" ang sigaw ko at tinulak si Mang Gregor na may takot, narinig ko ang mga tawanan ng mga lalaking umiinom sa harapan ko habang ako ay halos ibaon na ang sarili ko sa hukay dahil sa kabastusang ginagawa nila sa akin.
BINABASA MO ANG
Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)
Romance(Unedited) Archt. Alyster Emory Monreal, the senator's son and the bachelor of their company never thought that he will fall under the hands of Mariella Sienna Gallegos who is a sex worker, the first time he laid his eyes on the woman he kn...