Chapter 09

9.8K 259 25
                                    

Chapter 09: Architect


Marahan akong napa-singhap habang naka-tingin sa mahabang salamin sa kwarto ko, inayos ko ang bawat detalye na puwedeng makita sa akin ng mga tao. I'm wearing high waist fitted skirt and a white blouse, hinayaan ko lang ang buhok ko na nakalugay na hanggang siko. Hindi naman ito buhaghag at sakto lang ang itsura ko.

"Baliw talaga ang lalaking 'yun...ang akala ko pa naman hindi ko siya makikita" ang mahina kong reklamo dahil sumagi nanaman sa isipan ko na hindi lang simpleng trabaho ang gagawin ko, secretary ni Architect Alyster Emory Monreal.

Hindi ko inaasahan na iyon kaagad ang puwestong ibibigay niya sa akin, ang akala ko pa naman ay hindi ko siya makikita kahit na nag-tratrabaho ako sa kompanya niya pero heto siya at binigyan ako ng trabaho na mas malapit sa kanya.

Sinasadya niya ata 'yun e, tsk!

"Ate Sienna, ready ka na sa trabaho mo?" hinawi ni Mimi ang kurtina at sinilip ko ang mukha niya sa salamin, nakita ko ang malaki niyang ngiti ng tingnan niya ang likod ko. Balak nanaman ata akong asarin dahil sa ngayon niya lang ako nakitang ganito ang suot ko.

"Ang ganda mo naman ate, sabihin mo sa akin kapag jinowa ka na ng boss mo ha" 

Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Mimi, dali-dali kong pinunta ang nakakalokong tingin sa kanya na para bang hindi ko kinakaya ang mga bigla-bigla niyang sinasabi "Anong sabi mo?" pag-ulit ko dahil baka mamaya ay nabingi lang ako.

"Ang sabi ko, sabihin mo sa akin kapag jinowa ka na ng boss mo" 

Putangina, inulit pa!

"Ano bang sinasabi mo, Mimi? Kung ano-anong lumalabas diyan sa bibig mo ha" ang sabi ko at sinundot ng mahina ang kanyang bibig na dahilan para kunutan niya ako ng tingin. Hindi ko inaakala na isang eleven years old pa ang mag-sasabi nito sa akin, ibang klase lang talaga.

"Malay mo ate, maganda ka naman e' pero huwag lalaki ulo ha atsaka gwapo naman si Kuya Aly" umangat naman ang sulok ng labi ko dahil natatawag niya na kaagad na kuya si Alyster e' boss ko nga 'yon.

"Ibang klase ang utak mo Mimi, huwag mo akong asarin sa unang araw ng trabaho ko ha" ginulo ko ang buhok niya marahil kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya, sinukbit ko naman ang bag ko at dumiretso na sa kusina para naman maihanda na ang almusal namin.

"Totoo naman ate e' atsaka ang bait naman niyang boss mo, hinatid pa tayo sa bahay natin" umiikot pa ang mata niya habang sinasabi iyon na dahilan para mas lalo akong mainis, kung puwede ko lang siyang batuhin ng sandok ay ginawa ko na.

"Manahimik ka diyan, Mimi at mag-handa ka na kasi may pasok ka pa"

Pilit kong inaalis ang diskusyon sa ganito kaaga dahil baka mamaya ay mawala ako sa hulog, nakakagulat naman kasi ang mga tanong ni Mimi na akala mo e' matanda na siya.

"Kapag pumunta dito si Kuya Aly ay dito mo na pakainin ng hapunan para naman makapag-kwentuhan kami sa pagiging architect niya" umiling nalang ako habang hawak-hawak ang sandok na handa ng mag-luto.

"Uso naman ang internet para mag-search ka Mimi atsaka masyado ka pang bata para malaman yung mga architect, architect na 'yan"

Alam ko naman na hindi ganitong lugar ang puntahan ni Alyster kaya hindi na dapat siya bumalik dito, nakakahiya naman dahil sa anak ng senador ay nandito sa bahay ko at baka mamaya pag-usapan pa kami ng kapitbahay.

"Hay nako, ate! Dalhin mo lang dito si Kuya Alyster at hindi na ako kukulit" tumaas naman ang kilay ko dahil bakit niya pa pinipilit si Alyster na pumunta dito sa bahay atsaka alam ko naman na hindi mangyayare iyon dahil sa pag-kain pa nga ng candy ay makulit na siya.

Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon