Chapter 04

11.3K 344 24
                                    

Chapter 04: Crossed


"Ma, andito na si ate Sienna!" ang sigaw ng bunso kong kapatid na si Mimi na dahilan para ngumiti ako bilang magandang bungad sa kanila.

Bumalik na muna ko sa club para naman makapag-bihis muna ako ng maayos na damit, iyon na ang huling araw ko sa club dahil aalis na ako. Sa tingin ko naman ay sapat na ang serbisyo ko doon at dapat lang n umalis na ako.

Ramdam ko pa rin ang pagod sa aking katawan dahil sa nangyare kagabi at pilit ko na itong inaalis sa isip ko lalo na't nasa bahay na ako, pag-dating sa bahay ay hindi ko na dapat iniisip ang trabaho ko.

Naputol naman ang malalim kong pag-iisip ng biglang bumungad na ang bulto ni Mama sa harapan ko "Ma, mano po" ang sabi ko dito at lumapit para kunin ang kamay niya.

"Mag-pahinga ka muna at ako na ang mag-aasikaso dito sa kapatid mo" ang mabait niyang sabi sa akin na dahilan para umiling ako bilang sagot dito. Kailangan rin kasing pumasok ni mama at ako lang ang maiiwan dito sa bahay kapag wala na sila.

"Ma, aalis na po ako sa call center kaya mahaba po ang oras ko dito ngayon. Mag-hahanap na rin po ako ng bagong trabaho"

Nakita kong hindi niya ako binigyan ng kahit anong tanong na dahilan para pilit akong ngumiti sa kanya, biglaan ang sinabi ko kaya sa tingin ko ay iniisip niya rin kung bakit ako aalis sa call center na alam nila.

Bumaba ang tingin niya sa leeg ko at nakita ko ang saglitang panlalaki ng mata niya na dahilan para kumunot ang noo ko.

"Ate, mag-bihis ka na. Amoy na amoy ko yung panlalaki mong pabango" ang sabi ni Mimi na dahilan para kumunot ang noo ko, anong sinasabi niyang panlalaking pabango?

Inamoy ko naman ang sarili ko at halos wala naman akong maamoy na lalaking pabango "Sinasabi mo bang mabaho na ako, ha?" ang sabi ko at unti-unting lumapit kay Mimi para kilitiin ito sa tagiliran.

Mukhang sabay na silang dalawa ni mama aalis dito sa bahay at ako nalang ang maiiwan dito. Mamayang gabi ay pupunta ako sa club at kukunin nalang ang huling sweldo ko dahil aalis na ako doon.

Madali lang namang mag-pakawala si Mister Cheng, hindi naman niya pipilitin ang mga babae at doon lang naman siya maluwag.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niyang labagin ang mismong rules na siya mismo ang ginawa, sabagay isang-daang libo rin ang binigay sa kanya ng Mr. Monreal na 'yun.

"Mag-bihis ka na nga, Sienna at totoo ngang mabaho ka na" pang-aasar sa akin ni mama na dahilan para mapa-nguso ako at dumiretso nalang ako sa kwarto ko.

Tinanggal ko ang pantaas kong damit at akmang lalapit na sa aparador ko ng biglang nakita ko ang sarili ko sa salamin at halos malaglag ang panga ko ng makita ang isang kulay pula sa aking leeg.

"P-Putangina..." nauutal na usal ko at nagawa itong hawakan dahil sa mapula ito at halos nasa gilid ng leeg ko, ito ba ang nakita ni mama kanina? Tangina, bakit hindi ko man lang napansin na may hickey pala ako sa leeg!

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ko naman matandaan kagabi kung kailan ako binigyan ng lakaking 'yun ng hickey, baka nung tulog ako pero putangina, bakit pa siya nag-iwan ng bakas?!

"Argh!" mahina kong sabi at nagulo ang buhok ko dahil sa pag-kataranta na paano ko tatakpan ang hickey na ito sa leeg ko. Hindi pa ako nakakapag-suot ng pantaas na damit ko at lumapit na kaagad ako sa bag ko para kumuha ng foundation.

Tatalab naman siguro ang foundation sa pag-takip ng foundation hindi ba, tangina! Baliw ang anak ng senador na 'yun nag-iwan pa ng bakas sa katawan ko at hindi niya ba alam na mapapahamak ako sa ginagawa niya?

Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon