Chapter 08

9.5K 270 23
                                    

Chapter 08: Remember


"Mag-kano po ito, ate?" ang tanong ko sa tindera at tinaas pa ang damit na balak kong bilhin, matagal naman niya itong tiningnan na para bang inoobserba niya pa kung anong presyo ang ibibigay niya sa akin.

Kasalukuyan akong nasa Divisoria ngayon para bumili ng ilang kailangan namin sa bahay, mga tatlong araw na rin kami sa bagong bahay namin at masaya naman ako dahil nakakapag-adjust na si Mama at Mimi.

Marami na ring kakilala si Mama doon sa lugar namin dahil sa panay ang tulong nila sa amin, hindi ko nga inaakala na may ganon parin pa lang mga taon na balak kang tanggapin at i-welcome sa kanila.

"Isang-daan 'yan, bhe" ang sabi sa akin ng tindera na dahilan para tumango nalang ako bilang sagot sa kanya, kumuha pa ako ng ibang damit sa kailangan ko rin ito sa trabaho ko sa susunod na ilang araw. Oo, pumayag na ako na kay Alyster ako mag-tratrabaho at wala man lang akong kaalam-alam kung ano bang puwede niyang ibigay sa aking trabaho.

Mabuti nga at napaki-usapan ko pa siyang bigyan niya ako ng isang Linggo para makapag-handa, akalain mo iyon ako pa mismo ang nag-sabi sa boss ko na kailangan ko muna ng isang Linggo para mag-trabaho sa kanya.

Hindi pa ako nakakaramdam ng kaba ngayon pero sa tingin ko ay kakabahan ako kapag mismong araw na.

"Ate, ito pong tatlo" ang sabi ko at binigay sa tindera ang mga napili kong damit para sa trabaho ko. Halos parami na rin ng parami ang mga plastik sa kamay ko at sa tingin ko ay uuwi na rin ako pag-katapos kong bilhin ang mga gamit na kailangan ko.

Inabot ko naman ang bayad ko at binigay naman niya sa akin ang mga pinamili ko. Lumakad na ako palayo sa kanya at handa na akong umuwi sa bahay para naman makapag-handa na ako ng hapunan ni Mama at Mimi, panigurado akong pagod iyon galing sa school at trabaho.

Dumiretso na nga ako sa bahay at nakita kong halos kailangan pa ng mga bagay dahil sa kulang-kulang pa ito, sa tingin ko ay uuntiin ko muna ang pag-bili ng mga gamit hanggang sa maging maayos na ang lahat.

May pera pa naman ako dito pero hindi dapat ako makampante na lagi akong may pera dahil kailangan ko rin naman itong ipunin.

Linapag ko ang mga pinamili ko at balak ko ng sunduin si Mimi sa school niya, pang-hapon kasi ang batang 'yun kaya mga ala-singco ang uwi niya. Sinukbit ko ang nag-tatanging maliit kong bag at hindi nag-tagal ay lumisan muli sa bahay.

Malapit lang naman ang school dito ni Mimi at pinili ko talaga ang bahay na iyon para naman hindi siya mahirapan pati na rin si Mama.

Palinga-linga naman ako dahil sa hinahanap ko na ang kapatid ko, nasa harapan na ako ng gate ng school nila para hintayin siya at sa tingin ko ay nag-sisilabasan na sila dahil nakikita ko na ang mga ilang kaklase niya.

"Ate Sienna!" ang sigaw ng isang babae na dahilan para mapa-ngiti ako ng bumungad na sa aking mata si Mimi na nagawa pang kumaway at para bang excited na lumapit sa akin.

"Kamusta school?" ang sabi ko at nilagay ang kamay ko sa kanyang buhok para naman bigyan ito ng komporta.

"Highest nanaman ako sa math ate tapos pinakanta ako sa harap ng mga kaklase ko para sa performance task namin, alam mo namang sintunado ako" ang daing niya na dahilan para mahina akong matawa at mas lalo siyang nilapit sa beywang ko para naman komportable kaming makapag-lakad.

"Ate, puwede bang bumili tayo ng chicken balls?" tanong niya na dahilan para umangat ang sulok ng labi ko, sino naman ako para hindi pag-bigyan ang kapatid ko hindi ba?

Binigyan ko naman siya ng sampung piso at sa tingin ko ay ayos na rin naman iyon para sa kanya, mabilis kasing mabusog si Mimi kaya kaunti lang ang binibigay ko sa kanya.

Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon