Chapter 05: Step
"Nababaliw ka na ba?" halos tumaas na ang boses ko dahil sa narinig kong sinabi ni Mr. Monreal, nagawa ko ngang humarap sa kanya at nakita ko ang seryoso niyang tingin sa akin na para bang walang siyang pakielam kung saan ako nag-tratrabaho.
"Bakit mo ako papapasukin sa kompanya mo, sinasayang mo lang ang oras mo" diin kong sabi sa kanya na dahilan para umangat ang sulok ng labi niya, mukhang hindi tumatalab sa kanya ang mga sinasabi ko dahil panay lang ang pag-ngisi niya.
"My company is open for you Sienna--"
"Tigilan mo ako Mr. Monreal, mas lalo mo lang akong iniinis dahil sa mga inaakto mo. Hinihiling ko nalang talaga na sana huwag ng mag-krus ang landas natin, tama na yung kagabi at doon na 'yun natapos"
Sa lahat ng customers na nakasama ko ay siya lang ang tanging makulit na nakakapag-pataas ng dugo ko. Hindi ko ba alam kung bakit balewala sa akin ang pagiging anak niya ng isang senador, nakipag-sex ako sa kanya at iyon 'yun.
Unti-unti nanaman siyang lumapit sa akin na dahilan para mag-simula nanaman akong kabahan, ang aura na iyon ang dahilan kung bakit ako nalinlang kagabi at sa tingin ko ay sabik na sabik nanaman siyang makipag-talik.
Nababaliw na ba siya, hindi niya ba alam ang limitasyon niya?
Halos mag-kadikit na ang katawan namin at ramdam ko ang pag-bigat ng hininga ko pero pilit kong nilalabanan ang kanyang mapungay na tingin sa akin.
He tilted his head at para bang inaanalisa ang pag-kakaiba ng mukha ko kagabi sa ngayon, sa tingin niya ba ay mauulit pa ang nangyare sa amin kagabi? Tama na ang isa dahil hindi na ako papayag.
"You really look different in bed, Sienna" suminghap ako at parang naka-dikit nalang ang tingin ko sa kanya, puwede bang tigilan niya na 'to?
"Hindi mo man lang ako hinintay na magising bago ka umalis" he chuckled, bakit ko naman siya hihintayin na magising e' may bahay akong kailangang uwian.
"Mr. Monreal--"
"It's Aly" pag-cocorrect niya sa akin na dahilan para makagat ko ang ibabang labi ko, mabuti pa nga at ginagalang ko pa siya pero nung kagabi ay halos banggitin ko ng paulit-ulit ang pangalan niya.
"Alyster Emory Monreal..." I hissed the reason why he smirked na para bang balak niya pa akong asarin, feeling close naman ang lalaking 'to.
"Ano bang hindi mo naiintindihan sa isang sex worker, sa tingin mo ba sasama kaagad ako sa' yo? Conservative pa rin ako no"
Atsaka hindi ko na gagawin ang gusto niya dahil alis na sa pangalan ko ang pagiging isang sex worker "Nag-sex tayo dahil iyon ang trabaho ko at para matanggal ang pagka-buryo mo, kaya please lang hanggang doon nalang ang puwede kong ibigay"
"Here..." inabot niya sa akin ang isang card na dahilan para kumunot ang noo ko, ano namang lamang ng card na 'to?
Tiningnan ko iyon at doon nakalagay ang pangalan ng kompanya niya na Monreal Fields, salit-salit ang tingin ko sa kanya maging sa card na binigay niya sa akin.
Gusto ko, ako ang mag-hanap ng sarili kong trabaho atsaka ang awkward kaya kapag ang boss ko ay nakipag-sex na pala sa isang empleyado niya. Ayoko ng ganon at ayaw kong makita siya dahil pakiramdam ko ay isang sex worker pa rin ako.
"You can go there if you want to be part of it, you'll never regret coming to my company" malalim niyang sabi na dahilan para kumurap nalang ako, trabaho lang naman ang gagawin pero bakit naiilang pa rin ako?
Paano kapag nalaman ng mga ibang empleyado na ang isang kagaya ko na nasa kompanya niya ay nakasama na ang boss sa kama. Bakit pa sa ganitong pag-kakataon kailangang mag-tagpo kami ng anak ng senator?
BINABASA MO ANG
Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)
Romance(Unedited) Archt. Alyster Emory Monreal, the senator's son and the bachelor of their company never thought that he will fall under the hands of Mariella Sienna Gallegos who is a sex worker, the first time he laid his eyes on the woman he kn...