Chapter 22: Matter (r-18)
"Sigurado ka bang papasok ka ngayon, Sienna?" ang tanong sa akin ni Mama dahil nakikita niya akong nag-hahanda para pumasok sa Monreal Fields. It's a chaos on the company I'm working at but as Aly's secretary, I need to work and settle some things.
Bumaling naman ang tingin ko kay Mama at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha, kung noon lang ay pinayagan niya akong lumabas kasama si Aly pero ngayon ay halos nag-aalala na siya dahil sa sitwasyon ng pamilya Monreal.
"Ma, kailangan ko pong pumasok" pangungumbinsi ko sa kanya at nakita ko ang kanyang pag-papakawala ng malalim na hininga. She's worried because the company I'm working at is in chaos but it doesn't mean na hindi ako papasok.
"Ano bang nangyayare diyan sa Monreal na 'yan, totoo ba talagang nag-nakaw ang tatay ni Aly?" napa-kamot si Mama sa kanyang ulo dahil maging siya ay inaalala rin na Monreal ang pinapasukan ko at ayaw niya lang na mapahamak ako.
"Hindi ko po alam, ma...dapat po akong pumasok para alalayan ang boss ko" I want her to calm down dahil simula palang naman ay damay na ang Monreal nung pumutok ang balita tungkol sa plunder case ni Senator Eduardo.
"Ate Sienna!" sigaw ni Mimi na dahilan para makuha niya ang atensyon ko, nakita ko ang pag-takbo niya sa akin na para bang hinahabol siya ng kung sino man na kalaro niya.
"Totoo po bang mag-nanakaw ang tatay ni kuya Aly?" tanong sa akin ni Mimi na dahilan para manginig ang ibabang labi ko, kaagad namang napunta kay Mama ang tingin ko dahil hindi dapat alam ni Mimi ang mga ganitong bagay.
"Ma, huwag niyo po munang buksan ang tv dahil hindi pa dapat ito iniisip ni Mimi" pahintulot ko kay Mama at tumango naman siya sa akin bilang sagot, panay kasi ang nood ni Mimi ng balita at sa tingin ko ay masyado pa siyang bata para sa mga usapin na gaya nito.
Bumaba naman ako para mapantayan ang lebel ng mata ni Mimi "Mimi, hindi ka muna dapat manood ng ganon ha...masyado ka pang bata atsaka hindi ko pa alam kung totoo ba ang inaakusa kay Senator Eduardo"
Minsan talaga ay nagugulat nalang ako dahil sa mga nalalaman ni Mimi, hindi pa wasto ang kanyang edad para sa mga usaping ganito pero sa Monreal kasi ako nag-tratrabaho kaya hindi na maiiwasan.
"Pero Ate Sienna, huwag mo ipahamak sarili mo ha..." pag-papaalala niya sa akin na dahilan para ngumiti ako at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko.
"Oo, mag-iingat si Ate Sienna" kinurot ko ang kanyang ilong at ngumiti nalang ng malaki. Tumayo naman ako ng maayos at kinuha na ang bag ko para pumunta na sa trabaho ko, bumaling ang tingin ko kay Mama at puno ng pag-aalala ang kanyang mukha na para bang huwag muna akong pumasok.
"Ma, mag-iingat po ako. Hindi lang naman po ako ang papasok, may mga kasama pa po ako" alam ko naman ang ugali ng mga empleyado ni Aly, they will stay despite of this situation.
Hindi na nga nag-tagal ay pumunta na ako sa Monreal Fields at bumungad pa rin sa akin ang media na katulad ng mga kahapon, dumaan naman ako sa gilid ng entrance at hindi na sila binalingan ng tingin.
Sa pag-pasok ko ay bumungad sa akin si Ma'am Veronica na para bang hindi na mapakali "Mabuti naman at nandito ka na, ang akala ko ay hindi ka papasok" nag-aalalang sabi niya na dahilan para umiling ako.
"Dapat lang na pumasok ako, I'm Architect's secretary" pam-bungad ko, ang sabi ko kay Aly ay hindi ko siya iiwan sa laban na 'to. Kung babagsak man ang kompanya niya dahil sa ginawa ng tatay niya ay makaka-bangon naman kami.
Napunta naman sa likod ni Ma'am Veronica ang tingin ko at nakita kong panay ang takbo ng mga empleyado na para bang may hinahabol silang deadline.
![](https://img.wattpad.com/cover/233627762-288-k134175.jpg)
BINABASA MO ANG
Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)
Romansa(Unedited) Archt. Alyster Emory Monreal, the senator's son and the bachelor of their company never thought that he will fall under the hands of Mariella Sienna Gallegos who is a sex worker, the first time he laid his eyes on the woman he kn...