Chapter 25

6.9K 163 9
                                    

Chapter 25: Escape


"A-Anong sabi mo?" ang nauutal na sabi ni mama na kita ko ang gulat sa kanyang mga mata, I pressed my lips and sighed as I said to her to be ready on my confession. Maging ako ay ganyan rin ang itsura ko sa nalaman ko, nakakagulat na kailangan pa naming mag-krus ng landas ni Aly.

"Umibig si Ate Marion sa lalaking may pamilya na, ma..." mas magandang pakinggan iyon dahil sa nirerespeto ko pa rin si Ate Marion, ang sakit na kailangan pa naming maranasan ulit ito dahil sa isang sikreto na nalaman namin.

"Ano bang sinasabi mo, Sienna?! Hindi naging kabit ang ate mo!" ang galit na sabi sa akin ni mama na dahilan para mapa-iling ako, maski ako ay ayaw kong maniwala pero sa mga sinasabi ni Donya Ariella ay sapat na ito.

Kaya ba hindi maka-tingin sa akin ng maayos si Senator Eduardo dahil sa alam niyang kilala niya na ako? Kaya ba ako niyaya ni Donya Ariella dahil sa kapatid ako ni Ate Marion, she knows that I'm her sister pero hindi siya nag-pakulo kaagad.

"Ma! Iyon ang sinabi ni Donya Ariella kaya ang laki nalang ng galit niya sa akin dahil nag-krus nanaman ang landas namin, nung nag-aaral pa daw si Ate ay doon na nag-taksil si Senator Eduardo" ang paliwanag ko at umiling siya sa akin bilang sagot na parang hindi pa sapat ang mga nalalaman ko.

"At sa tingin ni Aly ay tinapos ni Ate Marion ang kanyang buhay dahil sa sex video na kumalat..." 

"Ano bang sinasabi mo, Sienna?! Kapag narinig ka ng ate mo ay paniguradong masasaktan siya--"

"Pero iyon ang totoo ma! Alam mo ba kung gaano kagalit si Donya Ariella kay ate tapos ako naman daw ang pumasok sa buhay nila"

Maski ako ay gusto ko nalang magbingi-bingihan sa mga sinasabi ni Donya Ariella pero hindi naman ito masasabi kaagad dahil sa sila at si ate lang ang nakaka-alam ng lahat.

"Ano bang nangyayare?! Hindi ba ang sabi ko ay layuan mo na ang pamilyang 'yan!" napupuno ng sigaw ang bahay namin na dahilan para mariin akong mapa-pikit, nakakaramdam na ako ng pag-hilo at ramdam ko ang panlalamig ng aking katawan.

Gusto ko nalang takasan ito lahat dahil napaka-malas ng buhay ko.

"Layuan mo na ang pamilyang 'yan dahil kung ano-ano ang sinasabi nila sa'yo at sa ate mo! Hindi kabit ang Ate Marion mo, Sienna!" hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko, pati si mama ay wala siyang kaalam-alam kung ano ba ang nangyare noon kay Ate Marion.

Ano bang sikreto ang iniwan mo Ate Marion at kami ang nag-hihirap, bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na unti-unti ka na palang nauubos?

Kumalat ang iyong sex video kasama ang senador at hindi mo kinaya ang lahat ng wala man lang kami nalalaman, ano pa ba ang hindi ko nalalaman Ate Marion?

"Layuan mo na ang pamilyang 'yan, Sienna! Hindi sila makakabuti sa'yo, itigil mo na ang pakikipag-kita sa Aly na 'yan!" ang sigaw ni mama na dahilan para mag-lakad ako papunta sa kwarto ko, sinarado ko ang pinto at unti-unting naramdaman ang sahig sa aking puwetan.

Tinakpan ko ang tenga ko gamit ang dalawa kong kamay na para bang gusto ko nalang maging bingi sa mga nalalaman ko, sa isang iglap ay gusto ko nalang takasan ang nangyayare sa buhay ko.

Ano bang nangyayare Ate Marion?

Hindi ba talaga puwede?

Tumulo ang aking mga luha na matagal ko ng pinanghahawakan, hindi na ito nag-paawat at sunod-sunod na itong lumabas sa aking mga mata ng wala man lang pahintulot sa akin.

Ang hikbi ay tinakpan gamit ang aking kamay para hindi ito marinig ng aking pamilya, alam mo yung pakiramdam na sasarilihin mo nalang ang pag-iyak mo para masabi na malakas ka? 

Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon