Chapter 03

12.2K 356 47
                                    

Chapter 03: Commands (r-18)


"Bakit mo naman dinala ang isang babaeng kagaya ko dito sa bahay mo, anak ka ng senator hindi ba?" panay ang libot ng mata ko sa magarang bahay na pinasukan ko, halos nasa sahig na ang panga ko ng makita ang mga kumikinang na accessories ng bahay nitong si Mr. Monreal.

Hindi ko ba alam kung bakit ko pa pinilit na sumama sa kanya dito, alam kong magagalit sa akin si Mr. Cheng kapag nalaman niyang tumakas ako sa isa sa mga customer niya pero hayaan nalang dahil aalis na rin naman ako sa club niya.

"What are you even saying?" ang tanong niya at nakita kong inaalis niya na ang neck tie na suot-suot niya na dahilan para mapalunok ako. Kaya niya ako sinama sa kanya pauwi dahil gusto niyang makipag-sex hindi ba?

"Puwede ko bang matanong kung amo ang ginagawa mo sa club na 'yun. Anak ka ng isang senador pero doon sa club ka nag-punta tapos kinuha mo pa ako" pinilit kong alisin ang tingin sa kanya dahil ramdam ko ang pag-init ng katawan ko ng sinimulan niyang alisin ang coat maging ang neck tie niya.

"I don't have to answer that" pag-iwas niya na dahilan para suminghap ako, alam ko naman kung ano ang pinunta ko dito at dala ko pa rin ang trabaho ko bilang isang sex worker.

"Gusto mong makipag-sex hindi ba?" matapang kong tanong na dahilan para mag-tama ang dalawa niyang kilay, bakit? Mali ba na nabasa ko ang mga galaw niya kaagad?

Halata naman dahil sa bahay pa talaga ako dinala ng Mr. Monreal na 'to na kahit na bawal ay nag-pumilit pa siya pero handa na rin naman ako dahil iyon ang trabaho ko.

"What a woman..." ang bulong niya pero sapat na iyon para marinig ko, nagulat pa siya e' halata naman sa bawat kilos niya ang gusto niyang gawin.

"Don't worry we will get there" ang usal niya na para bang pinataas nito ang balahibo ko, parang natigilan ako saglit dahil sa sinabi niyang iyon at doon namuo nanaman ang kaba dahil pakiramdam ko ay kakaiba ang lalaking naka-bingwit sa akin.

Ano ba, Sienna! Kagaya lang siya sa mga lalaking nakikita mo sa club na nabuburyo at gustong makipag-sex. Gawin mo nalang ang trabaho mo, tandaan mo trabaho lang!

Tiniklop niya ang kanyang sleeves hanggang siko, sinundan ko ito ng tingin dahil sa papunta siya sa kusina niya at kumunot ang noo ko ng mag-labas siya ng wine maging ang dalawang baso ay prinisenta niya.

Iinom pa ba kami bago kami mag-sex?

Nilagyan niya ng wine ang dalawang baso at ng makuha niya na ang tamang tansya ng dami nito ay kumuha siya ng isa. Nag-tama ang tingin namin at hindi ko na maiwasang kabahan lalo na't anak ng senator ang kaharap ko ngayon.

"Here, take this" binigay niya sa akin ang baso na dahilan para tumaas ang kilay ko na para bang inalisa ito.

"Wala namang lason 'to hindi ba?" ang sabi ko at ginalaw pa ng paikot na pag-galaw ang baso na para bang nag-babakasakali ako na baka lasunin lang ako nitong lalaking 'to.

"Nakita mong diretso kong nilagay sa baso hindi ba" kung mataray ako ay masasabi kong mas mataray siya, kaming lang bang dalawa ang nandito sa malaki niyang bahay?

Puno kasi ito ng black, gray at gold na mga kulay tapos ang laki pa nito na para bang yung sala e' parang bahay na namin. Ibang klase rin pala ang yaman nitong si Mr. Monreal kaya madali lang sa kanya ang mag-lustay ng pera.

I pressed my lips and tried to drink the wine he gave to me, naramdaman ko bigla ang pag-init ng lalamunan ko ng dumaan ang wine dito na para bang ito ang inaasam ko. Argh!

Sinandal niya ang sarili niya sa gilid ng piano habang iniinom rin ang wine pero hindi naman ako mapakali dahil panay ang tingin niya sa katawan ko na para bang kinakabisado niya ang bawat anggulo nito.

Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon