Chapter 19: Hopes
"What are we doing here?" ang tanong ko kay Aly dahil sa nakita ko ang Philippine Arena, so dito ba kami mag-dadate ni Aly? Hindi naman akong sporty na tao kaya sa tingin ko ay mabuburyo lang ako pero I will try because he made effort for this date.
"Don't worry, we are not going inside the Philippine Arena because we are going to a garden" he said to me the reason why I nodded as an answer, luminga-linga pa nga ako sa Philippine Arena na nasa harapan namin. From Manila to Bulacan, mabilis lang naman ang byahe kaya wala na dapat akong iarte pa.
Nasa damo kami at doon naka-park ang kotse ni Aly, nakakapag-taka dahil wala naman akong makitang ibang mga kotseng naka-park sa madamong part ng Philippine Arena pero si Aly na ang bahala sa lahat.
Pinanood ko siyang umikot sa harapan ng kotse at hindi nag-tagal ay nakarating na ito sa tapat ng pintuan ko na dahilan para buksan niya ito. Bumaba naman ako at saglitan na napa-pikit ang mga mata dahil tumingala ako.
Hapon na rin naman kaya sa tingin ko ay mas magiging maayos ang date na sinasabi ni Aly.
"I thought we are going inside of the Philippine Arena, I'm not a sporty one" sinukbit ko ang maliit na purse ko na dahilan para magulo ang buhok ko dahil sa malakas na hangin. Tumingin naman ako kay Aly na ngayon ay naka-kunot ang noo sa akin.
Hindi ko siya masyadong makita dahil sa buhok na tumatakip sa aking mukha na hinahayaan ko nalang pero natigilan ako ng bigla niyang hawiin ito at pumunta sa likod ko.
Napalunok ako at mabilis na kumurap dahil ramdam ko ang pag-gather niya ng buhok ko sa likod. All of a sudden I can hear my heart beating with happiness, I can feel his breathing even though there's a wind coming on us.
"There..." he said to me na dahilan para hawakan ko ang buhok ko, naramdaman ko na may tali na ito na dahilan para maiwasan ng buhok ko ang pag-gulo nito dahil sa malakas na hangin.
Aly tilted his head as if he wants to make sure that I'm good on his eyes, as he said I look good as always.
"Ang sabi mo mas okay ako kapag naka-lugay?" naka-kunot kong tanong sa kanya na dahilan para umawang ang sulok ng labi niya at tumayo ng maayos para lapitan ako. Naamoy ko ang kanyang pabango na tumagal na sa katawan ko noon, I like this.
"Ang ganda mo" he said to me the reason why I looked at him with deep eyes, that sound sincere but he always appreciate the art he wanted.
"Wala akong barya pam-bigay sa'yo, Aly" pang-aasar ko na dahilan para mahina siyang matawa, nagulat naman ako ng maramdaman ko ang kamay niya na humawak sa akin. Kaagad ko siyang tinaasan ng kilay at kita ko nanaman ang nakakaloko niyang ngisi na para bang naka-isa nanaman siya sa akin.
"Our hands will sweat, Aly"
"I don't care" he said while chuckling and suddenly walked the reason why I followed him. Nasa likod niya lang ako na dahilan para malaya kong tingnan ang kanyang side profile, I found myself smiling as I looked at him.
What a dream to be with him on this day, you loved me for who I am. Please catch me Aly because I'm falling hard on you, don't give me high hopes Aly. Ngayon ako sumugal kaya sana huwag mo akong biguin.
Kumunot naman ang noo ko ng makita ang karatula na may naka-ukit na The Garden, Ciudad de Victoria. I mean, hindi ko naman inaakala na may ganito pala sa tabi ng Philippine Arena. Ang akala ko kasi e' puro laro lang ang nandito pero may pasyalan rin pala.
Mas lalong kumunot ang noo ko ng bigla-bigla lang kaming pumasok ni Aly sa the garden while holding hands "Wala bang entrance fee dito at pumasok tayo bigla?" tanong ko sa kanya na dahilan para ibaling niya sa akin ang tingin niya.
BINABASA MO ANG
Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)
Romance(Unedited) Archt. Alyster Emory Monreal, the senator's son and the bachelor of their company never thought that he will fall under the hands of Mariella Sienna Gallegos who is a sex worker, the first time he laid his eyes on the woman he kn...