Chapter 07: Pride
"Saan ka pupunta, malalim na ang gabi ha" ang sabi sa akin ni Mama na dahilan para humigpit ang hawak ko sa curriculum vitae ko, ang akala ko pa naman ay tulog na siya pero nahuli niya pala akong paalis ng court.
Tulog na si Mimi kahit na maraming tao dito sa loob ng court, napadala na rin ang tent na galing kay Mayor na dahilan para may sarili na kaming puwesto. Naka-upo lang si Mama at kahit na madilim ay kitang-kita ko ang kunot sa kanyang noo.
Binasa ko naman ang labi ko dahil sa ramdam ko ang pag-katuyo nito, wala na akong ibang paraan dahil sa nasa bingit nanaman ang pamilya ko. Gagamitin ko ang 50,000 para sa pag-sisimula namin at mag-tratrabaho naman ako.
"M-May pupuntahan lang po ako, ma..." ang nauutal kong sabi na dahilan para tumayo siya at ginamit ang saklay niya para unti-unting lumapit sa akin. Nakita ko ang pag-aalala at takot sa kanyang mukha na parang kanina lang ay tulala at blangko lang ito.
"Babalik ka nanaman ba sa club na 'yun?" tanong niya sa akin na dahilan para mag-tama ang dalawang kilay ko, ano bang sinasabi niya? Hindi solusyon ang pag-balik ko sa club sa nangyayare sa amin.
Umiling ako bilang sagot kay Mama at pilit na tinatagan ang loob ko sa harapan niya, hinawakan ko ang kamay niya at pilit nalang na napa-ngiti. Kung nakikita man ako ni Ate Marion ay alam kong sasang-ayon rin siya sa sa gagawin ko.
"Ma...hindi ako babalik sa club, may dapat lang akong puntahan para naman hindi tayo mag-tagal dito sa court. May 50,000 akong pera at gagamitin ko iyon para makapag-simula ulit tayo" pag-papakalma ko sa kanya na dahilan para mapunta ang kamay niya sa pisngi ko. Alagang nanay talaga ako, pareho pantay ang kanyang pag-mamahal sa mga anak niya.
"Hindi ba puwedeng ipag-bukas mo na 'yan, pagod ka na sa pag-hahanap mo ng trabaho atsaka malalim na ang gabi" puno ng pag-aalala niyang sabi na dahilan para kagatin ko ang ibabang labi ko.
Hindi na ako mag-sasayang ng oras at kahit na hindi ako makatulog basta may matirhan kami ulit ng pamilya ko ay gagawin ko.
"Gusto mo bang sumama ako sa'yo?" agad naman akong umiling bilang sagot kay Mama, ako lang dapat ang lumakad kung saan ako pupunta dahil alam kong kailangan kong kausapin ng masinsinan ang taong pupuntahan ko.
"Ma, huwag na po. Pangako ko sa inyo na hindi ako sa club pupunta, may kakausapin lang po ako" pinilit ko ang sarili ko na bigyan ng ngiti ang nanay ko para naman mawala sa kanya ang kaba kung saan ba ako pupunta.
"Hindi ba puwedeng bukas nalang iyan, Sienna?" paki-usap niya na dahilan para suminghap ako, hinimas ko ang aking batok dahil kailangan ko talaga ang oras na ito para puntahan ang balak kong pasukan na trabaho.
Hindi na dapat paganahin ang pride dito dahil mismong pamilya ko na ang naaapektuhan, ayoko naman na dahil sa pride ko ay mahihirapan ang pamilya ko. Huwag ka nalang tumanggi, Sienna.
"Ma, saglit lang po ako. Babalik po ako kaagad" tinanggal ko ang kanyang kamay na nasa pisngi ko, mag-tiwala siya sa akin dahil hindi naman ako sumisira sa pinangako ko.
Unti-unti na akong umalis sa court at kitang-kita ko na ayaw niya akong umalis, inalis ko na ang tingin ko dito at hindi ko na pinag-sumikapan na balikan siya ng tingin dahil baka hindi ko nanaman patuloy ang lakad ko.
Sunog na ang bahay namin at halos hindi lang kami ang apektado, hindi ko alam kung saan kami tutuloy dahil sa hindi na rin naman namin alam kung nasaan ang mga kamag-anak namin.
Dapat maka-bangon kami kaagad dahil sa hindi ko kakayanin na manatili kami sa court na iyon, alam ko naman na mag-kakahiwalay hiwalay kami ng mga tao sa squatters pero sa tingin ko ay ayos na rin iyon dahil sawa na rin ako sa kanila at alam kong sawa na rin sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)
عاطفية(Unedited) Archt. Alyster Emory Monreal, the senator's son and the bachelor of their company never thought that he will fall under the hands of Mariella Sienna Gallegos who is a sex worker, the first time he laid his eyes on the woman he kn...