Chapter 4

5.3K 228 70
                                    

Visible

Chapter 4

After that ay hindi na natahimik ang mundo ko.

Dahil ngayon sa first subject namin ay pinalibutan na ako ng mga classmates ko habang tahimik akong nagbabasa ng musical sheets sa desk ko.

“KYYYYAAAAHHHH!! PAANO KAYO NAGKAKILALA NI JUNGKOOK?!”

“Wait, nag-date na ba kayo?!”

“I-share mo naman sa amin?!”

“At para sayo daw ang kanta nila kanina!!! Diba nakakakilig yun?!”

That’s it.

Agad akong tumayo.

Natahimik naman silang lahat at tahimik na napatingin sa akin.

Tinignan ko sila ng masama saka ko kinuha ang violin na nasa tabi ko at naglakad palabas. Mas gusto kong mapag-isa kesa sa pumasok nga sa klase pero ‘KYYYYAAAAAAHHHH!’  lang ang maririnig ko.

Pero bago ako makalabas ay narinig ko pa ang sinabi nila.

“Hmp, ang yabang”

“Oo nga, kilala lang sya ni Jungkook akala mo na kung sino makaasta”

“Yeah, right. Hindi naman sya maganda”

“If I know, tahimik lang sya but deep inside, flirt din”

Ito ang rason kaya ayokong nakikihalubilo sa iba.

Napakadali lang para sa isang tao ang magsalita ng masasama pag nakatalikod ka.

Pero okay lang.

Hindi ko naman sila kilala para makinig pa sa kanila.

Aalis na sana ako nang may biglang dumating.

“Eh ano naman ngayon kung sya ang dini-date ni Jungkook?” ang biglang sulpot ng boses na yun.

Napalingon ako.

Si Angel.

Dumating sya at ngayon ay naka-cross arms sya habang nakatingin sa mga classmates ko.

“Kung iko-compare sa pugmumukha ninyo, mas maganda naman talaga si Snow. Sa susunod na sasabihin nyong hindi maganda si Snow, tumingin muna kayo sa salamin para hindi masyadong nakakahiya” she lectured.

At mukhang napahiya naman ang mga nagba-backfight sa akin.

Samantalang napatingin lang ako sa kanya.

She smiled at me and gave me a wink.

Pero hindi na ako nagsalita at tumalikod na ako at lumabas ng classroom.

I even saw her eyes saddened when I turned my back on her.

Salamat.

Gusto ko sanang sabihin yun sa kanya pero hindi ko lang alam kung paano sasabihin.

Never ko kasing nasabi yun sa buong buhay ko.

At isa pa ay yun ang first time na may nagtanggol sa akin.

*sigh*

At ngayong nasa hallway na ako ay napapatingin sa akin ang lahat ng nakakasalubong ko.

Saka sila magbubulungan at halatang ako ang pinag-uusapan.

I hate this.

Paano ko ba ibabalik ang pagiging invisible ko?

Tama. Pupunta nalang ako sa paborito kong lugar.

VISIBLE [Jungkook-1 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon