Chapter 27

3K 135 17
                                    

Visible

Chapter 27

Next day…

“Pssst!!”

Huh?

“Psst!”

Ang ingay.

“Psst!”

Ays, sino ba yan ha? Hindi ako makapag-concentrate sa binabasa kong aklat sa school park.

“Sarrrraaaangg…!” ang mahinang tawag sa akin ng isang boses.

Napalingon naman ako at…

0___0

Si Jeon Jungkook na naka-coat, naka-sumbrero at naka-shades habang may nakatakip na newspaper sa mukha nya ang nakita ko. Teka, anong ginagawa nya?!

At para syang nasa isang action movie na tumakbo papunta sa tabi ko.

“A-anong ginagawa mo?” ang lingon ko sa kanya.

Buti nalang at dalawa lang kami ang nakatambay sa side na ‘to ng park.

He smiled. “Wala lang. Nami-miss ko ang sarang ko.” ^___^

Agad kong na-feel ang pagragasa ng dugo ko sa pisngi ko.

“B-bakit mo naman ako n-namimiss?” ang hindi ko makatinging tanong.

“Eh kasi tinatawagan kita pero hindi mo na naman sinasagot” at nagpout pa sya.

Tinignan ko naman ang cellphone ko.

Tama.

Ini-silent ko nga pala yun dahil may klase ako kanina at nakalimutan ko lang palitan ng profile.

Pero napanganga ako sa nakita ko.

FIFTY MISSED CALLS?!

At kay JUNGKOOK LANG NANGGALING LAHAT YUN?!

Nakanganga akong napalingon sa kanya.

“Hindi ko talaga kakayanin ang kakulitan mo” ang sabi ko.

He gave me that handsome grin.

Nagbalik nalang ako sa pagbabasa.

“Eh ikaw sarang? Hindi mo ba ako na-miss?”

0///0

“N-namiss? B-bakit naman kita mami-miss?”

Nag-pout sya. “Pero mahal mo ako kaya dapat ay namimiss mo ako!”

Oo.

Lagi kong nami-miss ang kakulitan nya.

Pero…hindi ko masabi yun.

Agad akong nag-iwas ng tingin. “H-hindi ah!”

Napatitig naman sya sa akin at…

“Ayyyyyeeeeeeee….! Naga-blush na naman ang sarang ko! Na-miss mo talaga ako pero nahihiya ka lang sabihin sa akin! Ayyyyeee…!” ang tukso nya sa akin.

Namumula naman ang mukha kong napasigaw.“H-hindi ah! S-sino n-naman ang nagsabing namimiss kita?! Lumayo ka nga sa akin!”

“Hayyy…mahiyain talaga ang sarang ko…sa tuwing ginagawa mo yan mas lalo akong naiinlove sayo” he said that and wink.

Parang umusok naman sa init ang mukha ko ng dahil sa sinabi nya.

Paano nya ba nasasabi sa akin na inlove sya sa akin na parang wala lang?

VISIBLE [Jungkook-1 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon