AN: Hello! Sorry kung ngayon lang uli. Hihi. But anyway, Ang lahat pala ng kanta dito ng BTS is kinanta by it's korean version. Yung English version lang po ang inilagay ko para maintindhan at mas ma-feel ang message ng kanta. Vote or comment lang ha. :D
Visible
Chapter 12
Pinagsisihan ko kaagad kung bakit ko pa sya pinasama sa palengke dahil...
"Sama ako sa bahay nyo!" ang pangungulit parin nya.
"Hindi nga pwede!"
"Sige na! hindi ko kayang magpakita sa mga kasama ko na ganito ang amoy ko!"
"Ayoko nga eh!"
Hindi naman sa dahil sa ayoko syang pasamahin sa bahay...
Pero...baka makita sya ng stepmom ko...
Tumigil naman sya sa paglalakad at tinignan ako.
"Okay" then he gave me that wicked grin. "Susundan nalang kita hanggang sa makaabot ka sa bahay nyo"
Urrrrggghhh...!
Mukhang hindi talaga sya titigil!
Nilingon ko naman sya. "Sige na nga! Pero susundin mo lahat ang sasabihin ko okay?"
He gave me that handsome grin.
"Neh!" he said.
My brows met. "Anong neh?"
Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.
At...
Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko.
"I mean...yes" he whispered in my face.
Namumula naman ang mukha kong umiwas ng tingin sa kanya.
"Okay. Tara na" ang sabi ko saka nagpatiunang naglakad paalis.
***************
Buti nalang at walang tao sa bahay pagkarating namin.
Baka nasa kapitbahay ang stepmom ko at naglalaro ng mahjong.
At nasa trabaho pa sa ganitong oras ang Papa ko.
"Pasok ka" ang sabi ko saka binuksan ang pinto.
Napalibot naman nya ang paningin nya sa luma at maliit na bahay namin.
At hindi ko alam pero bigla nalang ako nahiya.
Ito kasi ang first time na nagdala ako ng ibang tao sa bahay namin...
Hindi ko na-experience ang bisitahin ng iba dahil wala naman akong kaibigan para gumawa nun.
"Ang liit pala ng bahay nyo noh?" ang sabi nya saka tumitingin-tingin.
Wow ha.
Kung makalait din. -___-
Pero imbis na mainis sa kanya ay nahiya ako.
"Sabi ko naman sa'yo eh....hindi ka nalang sana sumama" saka ako nagtaas ng mukha. "Bilisan mong maligo. Ihahanda ko lang ang damit mo. Siguro may lumang damit ang Papa ko na pwedeng ipahiram sa'yo"
"Teka...saan ang banyo nyo?" ang tanong nya.
"Yang nasa left" ang sabi ko saka tumalikod at kumuha ng towel at ibinato ko yun sa kanya.
BINABASA MO ANG
VISIBLE [Jungkook-1 of 2]
FanfictionBULLETPROOF BOYSCOUTS SERIES [JUNGKOOK]. [TAGALOG] Snow Sanchez is a shy girl who loves to be all alone by herself and lives invisibly in the outside world. She completely locked herself in this world at wala syang ibang pinapapasok dito. Pero...bi...