Chapter 46

3.7K 147 61
                                    

Visible

Chapter 46

Kinagabihan…

Katatapos lang namin kumain ng dinner kasama ang stepmom ko pati narin ang Papa ko na nakauwi na galing sa trabaho nya.

“Snow, ako na ang maghuhugas ng pinggan. May naghahanap daw sa’yo sa labas” ang narinig kong sabi ng stepmom ko.

Huh?

Sino naman ang maghahanap sa akin sa ganitong oras?

Napatingin ako sa wall clock.

Alas otso na ah.

Nabitawan ko nalang ang pinggan na sinimulan ko ng ibabad at nagtatakang lumabas ng bahay.

Pero…

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makilala ko ang itim na hooded jacket na yun na suot ng nakatalikod na lalaking yun…

At hindi ko alam…

Pero…

Parang bumilis ang tibok ng puso ko…

Saka sya lumingon sa akin and I saw that handsome face.

Ang mukha ng lalaking pinapanuod ko sa TV kanina…

“Sarang…” he called me.

Yes. He called me sarang na para bang walang nangyari.

“B-bakit ka nandito?” ang unang naitanong ko. “A-akala ko ba…nasa Korea ka ngayon?”

He grin.

T-teka…bakit sya ngumingiti sa akin?

Matapos syang mag-quit kanina sa press conference ay ngumingiti sya sa akin ngayon?

“Bumalik ako dito sarang kasi na-miss kita” ^_____^

Napaatras ako.

A-ano ba ang pinagsasabi nya?

But then I composed myself. Hindi pwede ito.

“Umuwi ka na” I said in a cold voice. “Bye”

Yun lang saka ako tumalikod pero hinila nya ako sa braso.

Agad naman akong napalingon and I came face to face with that handsome face.

“Anong---”

“Ang sabi mo hindi na tayong pwedeng magsama dahil sa magkaiba ang mundo nating dalawa” ang sabi nya kaya natigilan ako. “Kaya ngayon…umalis ako sa mundo ko para makasama kita sa mundo mo”

Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi nya.

Wag nyang sabihin na…

Nag-quit sya dahil…

“Oo, napapasaya ko ang bilyon-bilyong tao sa buong mundo pero anong silbi nun kung ang kaisa-isang taong gusto kong mapasaya ay hindi ko mapasaya?” he said. “Nagsasaya ang ibang tao sa nakikita nila sa akin. I’ve lived up to their expectations. Naging perfect ako para sa kanila. Ginawa ko ang lahat ng gusto nilang gawin. Sinunod ko ang sa tingin ko ay magpapasaya sa kanila pero para saan ba yun sarang? Para in the end ay makita lang kitang umiiyak?”

“Jeon---”

“At sinabi mong hindi ka karapat-dapat sa akin?” he said in a low voice. “Do you have any idea of how much I love you?”

VISIBLE [Jungkook-1 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon