Chapter 25

3K 128 31
                                    

Visible

Chapter 25

Hindi ko alam kung kailan ko pa ba sinimulang maramdaman ito…

“KYYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!” ang tilian sa harapan ng gate ng school habang magkaakbay na naglalakad papasok ng school ang lalaking mahal ko at ang babaing nagkukunwaring girlfriend nya.

…pero sa tuwing nakikita ko sya ay nasasaktan ako.

Nasa hallway lang ako at nakasilip sa nangyayari sa labas. Maraming camera ang nakatutok sa kanila habang ngumingiti naman silang kumakaway.

“Snow? Okay ka lang ba?” ang naramdaman kong paglapit sa akin ni Angel.

At sa tuwing itinatanong sa akin ang tanong na yun ay iisa lang ang isinasagot ko.

I smiled. “Okay lang ako”

Kahit na hindi okay.

Kahit na masakit.

Ay kailangan kong magsinungaling.

“Oh my…all I thought ay seryoso talaga si Jungkook kay Snow, hindi pala”

“Yeah right. Hindi naman talaga sila bagay in the first place”

“Oo nga, mas bagay talaga sina Cass at Jungkook. Buti nga sa kanya”

Yan ang narinig kong usapan ng mga estudyanteng dumaan sa likod ko.

Angel just glared at them.

Pero maya-maya ay narinig na naming paparating na sila sa classroom nang dahil narin sa mga nagtitiliang estudyante na nasa paligid.

“KKKKKKKKYYYYYAAAAAAAAAAHHHH!! JUNGKOOK OPPPAAA!! CASS UNNNNIIIIEEEE!!!” ang tilian.

Nanatili lang akong nakatayo doon at nakayuko habang naririnig ko parin ang mga taong nagsasaya dahil nakikita nilang may kasamang iba ang lalaking mahal ko.

At parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang mapadaan sya sa akin.

Ramdam ko ang titig nya pero hindi ko kayang tumingin sa kanya.

Hindi ko kayang makita sya na may kasamang iba sa paglalakad.

Pero…

“Sarang…” he whispered.

Natigilan ako.

Saka ko naramdaman ang mahinang paghawak nya sa kamay ko pero agad din nya yun binitiwan at nagpatuloy na sila sa paglalakad.

At hindi ko alam…

Pero…humahapdi ngayon ang dibdib ko.

**************

“Ahn-nyong-ha-se-yo!” ang nakangiting bati ng magandang babae na yun sa klase namin. “My name is Cassandra Park and I’m so happy to be your new classmate”

Hiyawan ang sumunod.

At ngayong nakatayo na sya sa harapan ko ay hindi ko mapigilang mai-compare ang sarili ko sa kanya.

Ang ganda-ganda nya…

Samantalang ako…

Pero ano ‘tong nararamdaman ko?

Bakit parang…nako-conscious na ako sa kung ano ba ang itsura ko at naiko-compare ko na ang sarili ko sa iba?

Dati naman ay wala akong pakialam sa itsura ko o sa itsura ng ibang tao.

VISIBLE [Jungkook-1 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon