Chapter 10

4.3K 200 23
                                    

AN: Hi! Thank you nga pala sa mga nagbabasa nito. Hihi. Sabihin nyo lang ha kung boring na or what. Don't be shy. Kung nahihiya naman kayo, you can PM me. Enjoy Reading! :D

Visible

Chapter 10

Next day…

PE Class…

“Mine!”

“Mine!”

Naglalaro kami ngayon ng volleyball sa may school gym.

Hinahabol nila ang bola samantalang nanatili akong nakatayo sa isang sulok.

Hindi dahil sa hindi ako marunong maglaro.

Pero ayoko lang sumali.

“Snow” ang biglang sulpot ni Angel sa tabi ko.

“Ano yun?” ang hindi ko lumilingong tanong sa kanya.

Para naman syang kinikilig na nagsalita. “Lingon ka sa kanan. May gwapong band leader na nakatitig sa’yo ngayon”

Huh?

Napalingon naman ako sa kanan.

At…

0///0

Si Jungkook Jeon.

Nakatitig sa akin ngayon.

Nakasuot sya ng jersey at nakaupo sa isang bench at mukhang kagagaling lang nila sa paglalaro ng basketball.

At teka….bakit sya nakatitig sa akin?!

“Uyyyy…parang tinamaan sa’yo si Jungkook ah” ang tudyo nya pa.

At…

*boinks*

“UWAAAAAAAAAHHHH!!! ANG BEAUTIFUL FACE KO!!” she cried.

Opo, tinamaan sya ng bola ng volleyball dahil sa sobrang pag-uusyuso. -____-

“Snow! Sa’yo ang bola!” ang sigaw ng isang classmate ko.

Pero hindi ko nasalo yun kaya pumunta sa gilid ng court.

JUNGKOOK'S POV:

“Leader, baka matunaw bigla yung babae sa sobrang titig mo. Snow pa naman sya” ang sulpot ni Rapmonster sa tabi ko.

Nasa gym kami ngayon at break time namin sa paglalaro ng baskeball.

“Tumahimik ka nga” ang hindi ko parin natitinag na sabi.

Tama.

I just can’t take my eyes off her.

Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko sa direksyon nya.

“OKAY! BACK TO THE COURT NOW!” ang sabi ng teacher namin sa PE.

I sigh.

Bakit kaya hindi na nya sinasagot ang phone calls ko?

“Maknae!!” ang sigaw ni Rapmonster sa court.

Tinatawag na pala ako.

Tumayo ako at sumali narin sa laro.

VISIBLE [Jungkook-1 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon