Chapter 13

3.7K 175 11
                                    

Visible

Chapter 13

Malalagot ako pag nakita sya ng stepmom ko.

Alam kong masasaktan na naman ako pag nalaman ng babaing yun na nagpapasok ako ng ibang tao sa bahay namin.

“What are you---“ pero agad kong tinakpan ang bibig nya.

Saka  ko ini-lock ang pinto ng kwarto ko saka ko narinig ang boses ng stepmom ko na sa tingin ko ay nakapasok na sa loob ng bahay.

“SNOW!!!” she called.

Nagsalubong naman ang kilay ni Jungkook na ngayon ay tinatakpan ko parin ang bibig.

Tinanggal nya ang kamay ko sa bibig nya and whispered.

“Sino yun? Bakit tayo nagtatago?” he asked.

“Ang stepmom ko…” I whispered. “Wag kang maingay…pagagalitan na naman nya ako pag nakita ka nya dito…”

Napalundag pa ako nang biglang kumatok sa pinto ang babaing yun.

“SNOW!!!” she yelled. “LUMABAS KA DYAN AT MAGLUTO KA NA NG HAPUNAN!!”

Napatingin naman sa akin si Jungkook.

“Ganito ba sya lagi sayo?” he asked.

I nod.

“SNOW!!!” ang sigaw parin ng stepmom ko habang parang halos magigiba ang pinto ng kwarto ko dahil sa lakas ng kalabog nya doon.

“O-opo M-mama…!” ang sagot ko trying to keep my voice calm. “L-lalabas na po ako!”

At hindi ko alam pero…

Siguro sa takot…

O siguro sa hiya narin kay Jungkook at kailangan nya pa akong makitang ganito…

Ay parang may namumuong luha sa mga mata ko…

“LINTIK! DALIAN MO! GUTOM NA AKO!! BWISET NA BATANG ITO! WALA KA TALAGANG KWENTA!!” ang sigaw parin nya saka ko narinig ang mga yabag nya na mukhang paalis na.

Binitiwan ko naman ang bibig ni Jungkook at tumayo na.

Saka ko pinunasan ang mga luhang namumuo sa mga mata ko.

“L-lalabas muna ako…” I said. “W-wag kang mag-alala, ilalabas kita sa bahay na ‘to”

Yun lang at lalabas na sana ako pero…

Hinila nya ako at itinaas ang sleeve ng damit ko at tumambad uli ang pasa na yun sa braso ko.

“Sya ba ang gumawa nito sayo Snow?” he asked in a grim expression. “Sya ba ang dahilan kaya nagkakapasa ka?”

Hindi ako makapagsalita.

“God damn it!” nagmura sya kaya napatingin ako sa kanya.

At natigilan ako…

Dahil yun ang unang beses…

Na nakita ko syang magalit…

“TELL ME SNOW!” he yelled. “Sya ba ang gumawa nito?! Binubugbog ka ba ng stepmom mo?!”

At hindi ko na napigilan…

Pero…

Isa-isang tumulo sa mga pisngi ko ang mga luhang iyon…

“Oo!” ang umiiyak kong sigaw. “Pero ano ngayon? Anong magagawa ko?! Sya ang bagong asawa ng Papa ko kaya hindi ako makawala sa kanya!”

Natigilan naman sya sa sinabi ko.

VISIBLE [Jungkook-1 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon