AN: Mabilis ba? Haha, comment lang ha. XD
Visible
Chapter 22
“Sarang!!!” ^___^
Napaatras pa ako nang paglabas ko ng classroom ay ang masayang mukha na yun ni Jungkook ang nakita ko.
“A-anong ginagawa mo dito?!” ang naisigaw ko sa sobrang shock.
“Hinihintay ka!” ^___^
“A-at b-bakit mo ba ako hinihintay ha?”
“Kasi gusto kitang makita!”
Umaga pala nun at katatapos lang ng first subject ko sa umaga.
“P-pero kanina pa kita tinatawagan…bakit out of coverage ang laging sagot ng phone ko?” he pout.
“Pinatay ko ang phone ko dahil bawal ang maingay during class” ang sabi ko.
Totoo yun.
At ang isa pa ay sinadya ko talaga yun dahil alam kong tatawag na naman sya during class hours. Ang kulit-kulit nya pa namang tumawag. Hindi ka titigilan hangga’t sa hindi mo sinasagot. -____-
“Ahh…pero teka, saan na yung hairpin mo na ibinigay ko sa’yo?” ang tanong nya pa.
Tama.
Saan ko nga ba yun nailagay?
Hindi naman kasi ako sanay sa ganung bagay kaya nakakalimutan ko kung saan ko sila inilalagay.
“A-ah…e-eh…”
“Nawala mo?” ang tanong nya at parang ang lungkot nya. “First gift ko yun sayo sarang pero…”
Hindi na nya ipinagpatuloy ang sasabihin at parang na-hurt talaga sya na hindi ko suot yun. At parang…pinipiga ang puso ko ngayong nakita ko syang nalungkot ng ganito.
Agad naman syang nagtaas ng mukha at ngumiti.
“Okay lang yun” then he pats my head. “Alam ko namang hindi ka sanay magsuot ng ganun kaya nawala mo”
Guilt.
Yun ang naramdaman ko.
Magsasalita na sana ako nang….
*Saranghae Snow! Saranghae Snow!*
Teka…ano yun?
*Saranghae Snow! Saranghae Snow!*
At bakit parang naririnig ko ang pangalan ko?
*Saranghae Snow! Saranghae Snow!*
Pero…
“Hello?” ang agad na sagot ni Jungkook sa cellphone nya.
Okay.
Ringtone pala yun ng cellphone ni Jungkook.
Pero teka…
Anong meaning ng saranghae Snow?At bakit parang kinakabahan ako sa meaning nun?
“WHAT?!” ang parang galit nyang sigaw.”At ba’t ko naman---”
Pero parang namatay ang cellphone nya.
“Hello?!” ang galit nyang sigaw.” Hello?!”
Pero parang wala ng sumasagot.
BINABASA MO ANG
VISIBLE [Jungkook-1 of 2]
Fiksi PenggemarBULLETPROOF BOYSCOUTS SERIES [JUNGKOOK]. [TAGALOG] Snow Sanchez is a shy girl who loves to be all alone by herself and lives invisibly in the outside world. She completely locked herself in this world at wala syang ibang pinapapasok dito. Pero...bi...