Visible
Chapter 29
“YESSSSSS!!! TAPOS NA ANG CONCERT NATIN SA LA!! PARTY! PARTY!” ang sigaw ni J-hope habang nagtatalon-talon sa tuwa.
Pero si Jungkook…
“MANAGER!! IBALIK NYO NA SA AKIN ANG CELLPHONE KO!!!” ang pagwawala nya sa harapan ni Mr. Han.
Napahawak nalang ako sa noo ko.
Grabe. Simula nung kumpiskahin ang mga cellphones namin ay gabi-gabi nalang syang nagwawala sa harapan ng Manager nila.
“Jungkook! Hindi ko ibabalik ‘to sayo hanggat hindi natatapos ang concert natin dahil hindi ka nagco-concentrate! Oras-oras mo nalang hawak ang cellphone mo!”
“Pero tapos na ang concert natin sa LA kaya ibalik mo na sa akin!”
“MR. JEON! BEHAVE YOURSELF! MY DECISION IS FINAL! WALA AKONG IBABALIK NA CELLPHONE HANGGA’T HINDI NATATAPOS ANG CONCERT SA JAPAN! ARASSO?!”
Natahimik naman ang nagwawalang si Jungkook.
And then…
“THIS IS SO UNFAIR!” ang dabog nya saka madramang nag-walk out.
Oh geez.
“Teka, ba’t nandito ka sa kwarto namin Cass?” ang biglang usyuso sa akin ni Rapmonster.
“Oo nga, ba’t hindi mo kasama ang mga friends mo?” si Jimin.
Napalingon naman ako sa kanila. “Friends? Groupmates siguro. Wala akong friends sa kanila. At isa pa, I can’t stand fake people like them. Mas magandang dito nalang muna ako”
“Pero…Cass, maghuhubad ako. Okay lang ba sayong makakita ng katawan ng lalaki ha?” si Suga.
I rolled my eyes.
“Anong tingin nyo sa akin? Kinder? Maghubad kayo kung gusto nyo!” ang sabi ko lang.
Nagkatinginan naman sila noon.
“Kung ganun…” si Jimin. “Ako na ang maunang maghuhubad! HAAAAAYYYYYAAHH!!”
Saka parang lion na winasak ang damit nya at lumitaw naman ang katawan nya.
“Oh ha? Ang ganda ng katawan ko noh? Six pack yan men!” ang pagmamayabang nya pa.
Pero…
Tumingin lang silang lahat kay Jimin na parang nakakadiri sya.
“Grabe…”si Rapmonster. “…saan ba ang malapit na mental hospital dito?”
“Oo nga, lumalabas na naman ang pagka-inlove nya sa abs nya” si J-hope.
“Makaalis na nga. Gutom na ako” si Suga saka tumayo at umalis.
“Ako din” ang sabay pang sabi nina J-hope at Rapmonster saka sila umalis.
“H-hoy! B-bakit?! Maganda naman ang katawan ko diba?! MARAMI NGANG NAGKAKADARAPA DITO EH! HOY!!” saka nya hinabol ang mga kasama.
Hindi ko na napigilan at natawa ako.
Grabe.
That’s why I love staying with this group.
Mga totoong tao kasi sila.
Kahit na sikat sila ay hindi sila takot ipakita kung sino sila.
Unlike sa grupo namin na puro mga fake faces at fake na pag-uugali ang makikita mo.
BINABASA MO ANG
VISIBLE [Jungkook-1 of 2]
Hayran KurguBULLETPROOF BOYSCOUTS SERIES [JUNGKOOK]. [TAGALOG] Snow Sanchez is a shy girl who loves to be all alone by herself and lives invisibly in the outside world. She completely locked herself in this world at wala syang ibang pinapapasok dito. Pero...bi...