Chapter 38

2.8K 119 17
                                    

Visible

Chapter 38

Nang matapos ang ceremony ay lumabas na kami ng hall at naglakad na sa hallway para bumalik sa mga classrooms namin.

“Snow! Sabay tayo!” ang biglang sulpot ni Angel sa tabi ko.

Nilingon ko naman sya at tumango lang.

Pero…

Natigil ako sa paglalakad nang makasalubong namin ang dalawang tao na yun na pinagtitilian ngayon ng mga estudyante.

“KKKKKKKKKKKKKKKYYYYYYAAAHHH!! CASS UNNIE!!! JUNGKOOK OPPA!!” ang tilian.

Samantalang sabay naman silang napatingin sa akin habang patuloy parin sila sa paglalakad.

Agad na binawi ni Jungkook ang mga mata nya at tumingin nalang ng diretso sa daan.

Habang nakita kong hinawakan ni Cass sa braso si Jungkook at tumingin sa akin ng seryoso.

At…

Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo nang dumaan na sa akin si Jungkook.

Pero napayuko lang ako at bakit…sumasakit ngayon ang dibdib ko ngayong lumalayo na sya sa akin?

“Huh? What was that? Ba’t hindi ka pinansin ni Jungkook. Nag-away ba kayo?” si Angel.

Hindi nalang ako sumagot at nandidilim ang mukhang nagpatuloy sa paglalakad.

Pero nabigla ako sa nadatnan ko sa loob ng classroom.

Dahil napapalibutan ng mga kinikilig na mga classmates ko ang lalaking yun na nakasandal at nakaupo sa upuan ko habang binabasa nya ang mga musical sheets na naiwan ko sa desk ko.

Si Taehyung.

Nang makita nya ako ay agad syang tumayo at ngumiti.

Hindi naman ako makagalaw nang bigla syang naglakad papunta sa akin.

Napatulala ako sa gwapong mukha  nya.

A-anong…ginagawa nya dito?

He stood in front of me and smiled.

“Hi Angel…” he said.

“T-taehyung…anong----”

Pero hindi pa man natatapos ang sasabihin ko ay bigla nalang nya hinawakan ang kamay ko at mabilis akong hinila palabas ng classroom.

“Teka T-taehyung---”

“Don’t say anything. Just come with me” ang sabi nya habang hila-hila parin ako sa gitna ng hallway.

And as expected, sa amin na naman napunta ang lahat ng atensyon.

Puro inis ang natanggap ko na tingin sa lahat ng nadadaanan naming mga babae kaya nagbaba nalang ako ng tingin.

Hanggang sa nakarating na kami sa parking lot.

Doon na ako nagtatakang nagtanong. “T-taehyung saan tayo pupunta---”

Pero hindi sya nagsalita at itinulak nya lang ako papasok sa loob ng kotse at nagmamadali din syang pumasok sa driver’s seat.

B-bakit pakiramdam ko ay makikidnap ako ngayon?

Walang salita syang nag-start ng engine.

“T-teka, T-taehyung…saan ba talaga tayo pupunta ha?” ang tanong ko parin.

VISIBLE [Jungkook-1 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon