-02-
Kei's PoV
"I will read it sir!" Kabado man pero I think this is the best way para mapakinggan niya ang tula ko para sa kanya. Muli kong sinulyapan si Iñigo pero diretsyo pa rin ang tingin niya.
"Ang pag-ibig ko sa'yo ay parang araw, malawak at nakakasilaw...Ang pag-ibig ko sa'yo ay parang buwan nagbibigay liwanag sa gabing matanglaw. Ang pag-ibig ko sa iyo ay parang tubig sa balde, umaapaw. Lahat ay gagawin para sa'yo giliw, sa akin ika'y maaaliw." Binasa ko ito na para talaga akong isang makalumang makata na kada word eh ini-exagge ko. Nakakakilig kasi...hihihi...
"Buahahahahaha!!!" napalingon ako sa paligid at rinig na rinig ang tawanan nila. Ano bang masama sa tula ko? Napalingon ako kay sir at maging siya'y tumatawa. Napayuko na lang ako at bumalik sa kinauupuan ko.
"I think sir, forcing someone to read her private thoughts, was against her rights. Then the thing was you laugh her masterpiece, instead of giving some compliments rather comments, I guess." Napalingon ako sa nagsasalita and I know it's Iñigo, my saviour!
"Tss! Dismiss!" Nagwalk out si sir, siguro dahil sa sinabi ni Iñigo. Mas lalo tuloy akong nagkakagusto sa kanya.
"Kei...cafeteria?" Niyaya ako ni Mae lumabas papuntang cafeteria pero, di ako sumama I want a moment with my saviour.
"Ikaw na lang muna." Saka ako naglakad papunta sa upuan ni Iñigo.
"Thank you pala kanina ha." Tumango lang siya at muling binuksan ng libro niya at nagbasa.
"Saan mo pala natutunan yung mga sinabi mo kanina?" I asked while trying to get his attention.
"Books of law." Tipid niyang sagot saka muling nagbasa.
"Hmmm...by the way, sabay uli ako sayo mamaya ha." Tumango lang siya. Puro naman tango 'to oh.
"Ahhhh wait may tanong pa ak--"
"Brad!!!" napalingon ako sa nasigaw at woahhhhhhhh!!!!
"Kiefer!" tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. Namiss ko siya!
"Tara sa cafeteria!" aya niya sa'kin at tumango naman ako bilang sagot.
"Tss" dumaan sa harap ko si Iñigo at lumabas ng room.
Naglakad na kami ni Kifs papuntang cafeteria. Nakita ko naman si Mae at Lee na nakaupo.
"Dun tayo!" Tugon ko kay Kifs sabay turo sa direksyon nila Mae.
"Oh akala ko ba...mag momoment ka pa sa room kasama ni Iñigo?" Pagtataray na tanong ni Mae.
"Ahhh...kasi, kasi dumating si Kifs. Ah, Kifs si Mae pala, at eto namang isa eh si Lee...mga kaibigan ko. Mae, Lee si Kifs my long lost bestfriend." Pagpapakilala ko sa kanila at ngumiti naman si Kifs.
"Order lang ako brad ha!" dumiretsyo si Kifs sa counter ah umorder.
"Ano kamo brad? Ano ba yang tawag niya sayo, ang baduy." pagtataka ni Mae habang inuubos ang pagkain niya.
"Hoi! Lee tigilan mo nga ang pangungulit, kanina mo pa sinisipa paa ko sa ilalim nitong lamesa eh! Tamo kakaltukan kita!" Sigaw ni Mae kay Lee, napatingin naman ako sa ilalim ng lamesa at para ngang may war between sa mga paa nila. Cute!
"Eh kasi kinikilig ako." Sagot naman ni Lee habang inaayos ang pinagkainan niya. "Wait nga, ahhhh...Keilly boyfriend mo?"
"Oo." Napalingon ako sa sumagot at nandito na pala si Kifs dala ang pagkain na inorder niya.
"Hoi Kifs tigilan mo ako!" sabay hampas sa braso niya. Kay Iñigo lang ako 'no!
"May Iñigo na ako, Lee ano ka ba!" Pigil ang kilig kong sagot. Naalala ko pa lang ang mukha niya eh umaapaw na sa kilig ang puso ko. Hihi...
"Tampo naman ako brad. Sino ba yang Iñigo na yan?, eh mas gwapo pa yata ako diyan eh." umupo siya sa tapat ko dahil nasa magkabilang dulo nakaupo si Lee at Mae.
Bago ko isubo ang pagkain ko eh...pinigilan ako ni Mae.
"Teka teka...baka may gayuma yan!" Mainit lang dugo kay Kifs?
Binatukan naman siya ni Lee at gumanti naman si Mae...ang ending nagaaway nanaman sila.
"Oi brad! Dito na ako mag-aaral at...take note classmate tayo!" napasigaw ako sa sinabi ni Kifs...magiging classmate ko siya, buti naman at may makakausap na ako rinding rindi na ako sa kada away ni Lee at Mae eh...at magpalatulong ako kay Kifs para magustuhan ako ni Iñigo.
"Yiehhhh!!!" yan na lang nasagot ko at kumain na kami.
Pagkatapos kumain eh uuwi na raw muna si Kifs para magpahinga, dito kasi siya dumiretsyo galing sa flight niya. Di man lang muna nagpahinga!
"Sige na brad uwi na muna ako, see you tomorrow!" Kumaway ako sa kanya at bumalik ng room.
Natapos na rin ang iba pang klase at uwian na eto na yung favorite part ko. #MomentwithIñigo
"Oi teka...sabi ko sasabay ako sayo!" Hinabol ko si Iñigo at sumunod naman si Mae at Lee. Salungat ang dadaanan namin ni Mae at Lee kaya sila ang sabay. Eto na ang real moment with him.
"May assignment ba tayo?" Pagsisimula ko ng usapan, kanina pa kasi kami walang kibo.
"Sana kasi nakikinig ka muna sa lecturers before you flirt with someone." Ha? Flirt eh si Kifs naman yun...saka bestfriend ko lang yun.
"Anong flirt? Di naman eh...lutang ba ako buong klase? Uy!, sabihin mo na may assignment ba?" Pangungulit ko sabay hawak sa coat niya. Nagulat siya sa pagkapit ko sa uniform niya at muling naglakad.
"Ah eh sorry." Bumitaw ako sa uniform niya...ayaw ata madumihan.
"Meron." Meron? malas naman oh.
"Saan subject?"
"Algebra."
"Pwede magpaturo?" Hihi sana pumayag siya para makapunta ako sa bahay nila.
"Hindi." ouch...
"Ba't naman?"
"May flirt session ka pa diba. Uwi na!" Labo naman nito.
Di ko namalayan at nasa tapat na pala ako ng bahay namin at nakapasok na siya sa bahay nila. Gulo gulo talaga ng pag-ibig. Umakyat agad ako ng kwarto syempre para magrelax.
Biglang tumunog ang phone ko at may mga bagong messages.
From Kifs:
'Brad...see you bukas!'
'Sabihan mo ako pag nakauwi ka na!'
'Oh sige na tutulungan ko pa si mom na magluto ng dinner.'
Compose message...
To: Kifs'See you!'
sent
Muli akong dumungaw sa bintana at saktong kakapatay lang ng ilaw ng kwarto niya. Ano ba naman yan?! Kahit man lang sa gabi di kita makita.
BINABASA MO ANG
I Love You-Untold
Non-FictionThis story was in major editing. Expect the typographical erros, and grammatical errors. They really love each other, but do they exist on each other world? Let us witness the powerful love that waited for a thousand years. 'Will the phrase "I love...