Unang Pahina

17 1 4
                                    

-01-

Kei's PoV

"Iñigo, naniniwala ka ba sa soul mate?" I asked him while looking up to him.

Sabi kasi ni Grandma kapag Soul mate kayo ng isang tao eh magiging kayo kahit anong mangyari, pero hindi lahat ng soulmate eh nag e-end sa happy ending.

"Ui Iñigo magsalita ka naman." Kinakausap di nagsasalita, kanina pa ako nakikipagusap sa hangin eh.

"No. I'm not interested about soulmate or any other things about love. It's only just your feelings ang it's temporary." Nagsalita rin sa wakas, pero mukhang di siya naniniwala sa sinasabi ko.

"What if soul mate tayo?" Hihi...kinikilig ako.

"Tss."  Hirap naman ne'to kausap, pero kinikilig pa rin ako...

Nagpatuloy kami sa paglalakad pero kahit tingin lang sa'kin eh di niya magawa...pero ok lang, sabi nga ni Grandma may ten ways daw para magustuhan ka ng gusto mo.

1. Make him comfortable with you.

"Iñigo! Kumportable ka ba sa'kin?" Hihi...

Umiling lang siya at naglakad uli.

"Ui intay!"

Uwuin na rin kasi namin at magkapit bahay kami kaya nasabay ako sa kanya pag-uwi.

"Bye Iñigo!" Di man lang kumaway! hmmmmpppp...

Pumasok na rin ako ng bahay at nagpalit ng damit. Hmmmm...paano kaya ako magugustuhan ni Iñigo? Kinuwa ko yung phone ko at tinawagan si Grandma

"Grandma! Di niya pa rin ako gusto!" Mangiyak ngiyak na ako habang kausap si Grandma.

"Hija...maghintay ka lang at bakit ba'y nagmamadali ka ha?" Usisa ni Lola, sa kanya kasi ako nagkwekwento tungkol sa crush ko.

"Kasi nga lola...wala pa akong nagiging boyfriend. Want ko si Iñigo ang first and last ko." pagmamaktol ko...kainis naman kasi eh!

"Maghintay ka muna, itong batang ito ay kaharutan na ang iniisip. Baka di kayo soulmate?"

"Grandma! Soulmate kami!" iiyak na talaga ako promise!

"Oh... sige sige na...soulmate na kung soulmate. Pupuntahan ko pa lolo mo sa sementeryo. Ang  aking soulmate." Binaba na ni Grandma ang tawag. Sana lahat may soulmate na. Si Grandma pala eh kapatid pinsan ng lola kong namatay na. Kaya ayun siya na ang nagsilbing Lola sa'kin.

Iñigo naman kasi bakit di mo ako magustuhan?

Kinuwa ko ang diary ko para isulat ang nangyari ngayon.

'Dear Diary,

Di pa rin ako gusto ni Iñigo, pero di ako susuko...bukas magkikita ulit kami at, kinikilig nanaman ako. Sana kahit man lang sulyap eh mabigyn niya ako. Hihi...bukas uli diary!'

Gabi na pala at di pa umuuwi sila Mom and Dad kaya mag-isa ako sa bahay. Sumilip ako sa bintana kung saan kita ang kwarto ni Iñigo. As usual nakasara nanaman ang kurtina ng kwarto niya. Ano kaya ginagawa niya ngayon? Kumain na ba siya? Wala kasi akong number niya eh...di ko tuloy matext. Bukas makikita ko naman siya. *yawn*
Nakakantok talaga ang paghahabol sa taong gusto mo pero di ako pagod antok lang....

-------

"Kei late ka na!" Napabalikwas ako ng higa at nakita ko si Mom na inaayos na ang uniform ko.

"Anong oras na ba Mi?" Napahikab pa ako at kinusot ang mga mata ko. Antok pa kasi ako eh.

"30 minutes magsisimula na ang klase mo. Buti sinabihan ako ni Iñigo about sa oras ng klase mo kanina...kaya nagising kita." Talaga ginawa niya yun...Iñigo my loves, UWU!!!

"Talaga Mi, pumunta siya para sabihin ang oras ng pasok ko?" Excited ako...hihi!

"Oo, pero nauna na siya." Ano ba yan...wala nanaman akong kasabay.

Naalala ko bigla ang sinabi ni lola na 'how to make someone fall for you'

2. Gawan mo ng tula na nanggagaling sa puso mo na para sa kanya lang.

Ayan, yan ng sinabi ni Grandma para magustuhan ako ni Iñigo. Tula hmmm...mamaya na sa klase.

Nagready na rin ako sa pagpasok at bumili ng tinapay para sa'kin at kay Iñigo baka di pa kasi nagb-breakfast yun.

Pumasok na ako sa klase at kanina pa ko nagiisip ng tula para sa kanya. Ano kaya maganda?

"Oi Kei, ano ba yang ginagawa mo?" Mae asked me habang sinisiko ako.

"Wala...nagawa ako ng tula." Sagot ko habng patuloy na nagsusulat.

"Tula? Wala namang pinapagawa ang mga lecturers natin ah." Lumingon siya sa'kin at muli nanaman ako siniko.

"Basta." Kainis baka magulo pa sulat ko.

Paglingon ko eh nakita ko si Iñigo na nakaupo sa upuan niya. Pero tulad pa rin ng dati wala man lang sulyap sa'kin. Siguro pagkatapos ng tula na 'to eh titingnan na niya ako. Excited na ako. Nilaag ko a desk niya kanina yung tinapay, sana kainin niya.

"Good morning!" Tinago ko kaagad sa bag ko ang papel na may lamang tula at tumayo para bumati kay Sir. Kinabahan naman ako dun baka kasi kumpiskahin niya...sayang naman.

"Good morning Sir Nelon!" Agad naman kaming pinaupo at nagklase na siya. Kinuwa ko yung papel at muling tinuloy ang sinusulat ko.

"Kei! mahuhuli ka ni Sir!" Bulong sa'kin ni Mae. Wala naman si sir eh...busy pa yan kaya tatapusin ko na'to.

"Ohhhh...ang pag-ibig ko sayo ay parang araw, malawak at nakakasilaw." Napatakip ako sa tula ko at napalingon sa diresyon ni sir. Patay na Kei...nahuli ka na!

"Ah, eh sir...hello?" Sabay kaway sa kanya.

"Making poem at my class is not part of my subject...I'll give you two choices...read it loud and clear or suspension?" Shemssss!!! napaka terror niya naman talaga...kala mo di nagkagusto before. Hmmmmppp...

Lumingon ako kay Iñigo pero diretsyo pa rin ang tingin niya. Pero teka read it or suspension? Swerte mo nga naman talaga Kei!

"Sir...pwede ako na lang maglinis mamaya, mag isa." Sana pumayag siya. Nakakahiya kasi na basahin ko ang tula para sa crush ko.

"So you chose suspension?" Kung masususpend ako, edi nalagot ako kila Mom.

Aha!!!

"I will read it sir!"



I Love You-UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon