ADIELLE
"WOOHHH! LET'S PARTYYYY!" Sigaw ni Anna habang naka taas yung bote ng alak na hawak nya, Oo bote talaga. Hindi wine glass, hindi shot glass. Kundi Bote.
Dahil sa sigaw ni Anna, napa lingon samin yung mga nasa kabilang table. Sinundan pa ng pa sigaw na pag agree ni Ate Ash, pati yung mga sumasayaw sa dance floor na nasa harap namin. Napalingon din. Malapit na nilang mahigitan yung Club Music.
Di kumuha sina Anna at Ria ng VIP room dahil boring daw kasi walang hot guys sabi pa ni Ria, kaya dito nalang kami. Though, malaki naman yung table na kinuha nila.
Tumayo si Ate Ash at hinila si Ate Kyle patayo din, tumikhim muna si Ate Ash sabay sabi samin na tumayo din kagaya nila.
"Let's make a toast. Anna, Ria. I'm so proud of you guys, you both are just high schoolers when we first met you. Noon palang, pangarap nyo ng maging doktor. Look at you girls now, board exam nalang at ganap na kayong doktor. " sabi ni Ate Ash kina Ria at Anna, Ate Ash gave a signal to Ate Kyle.
Tumikhim muna si Ate Kyle bago nag salita.
"Ehem, ano bang sasabihin ko, I can't find the exact words to say... But I will give a message anyways. Ria, Anna. I know studying this Field is hard, I've been there. I know how hard it is, but wala namang kurso na hindi mahirap. Lahat tayo naghirap bago natin nakamit ito, naghirap tayo sa pagiging intern. Na stress tayo dahil wala tayong desenteng pahinga, but lahat ng yon ay worth it..." she paused for awhile
"Ria, I remember what you said before. Gusto mong maging Doctor, pero natatakot ka na baka di mo kayanin. But look at you now, you overcome your fear." Nakita ko namang napa ngiti si Ria dahil sa sinabi ni Ate Kyle.
She looked at Anna after giving a message to Ria.
"Anna, I was impressed by your determination. Kahit hirap na hirap kana, you didn't give up. Kahit pagod na pagod kana, di ka padin sumusuko. Ikaw yung parating nag m-motivate kay Ria na wag sumuko, na sabay nyong abotin yung pangarap nyo. Because of your determination, narating nyo to."
"Hinarap nyo ng mag kasama ang mga pag subok para abotin to, at ngayon. Mag kasama padin kayong na abot tong pangarap nyo, dahil yan sa determinasyon nyo at sa hindi nyo pag suko. I'm so proud of you guys! Congratulations to the both of you." Naluluhang sabi ni Ate Kyle sa dalawa, dahil sa message. Naluluhang yumakap sina Ria at Anna kina Ate Ash at Ate Kyle.
"Awwe Ate, di lang naman dahil samin. Naabot namin to dahil sa inyo nina Adielle, kung di dahil sa pag m-motivate nyo. Di namin to mararating ni Ria, kaya maraming salamat. Kasi nag tiwala kayong maabot namin to." Naluluhang sabi ni Anna, naluluhang sumang-ayon naman si Ria.
"Wag nga kayong umiyak! Dapat happy tayo kasi nakaraos kayo WAHAHAHA" sabi naman ni Ate Ash.
"Dahil dyan, lika Adielle. Group hug tayo!" Sabi ni Ria at hinila ako payakap.
Nang humiwalay kami sa group hug ay itinaas namin yung mga baso namin.
"To Ria and Anna. Cheers!" Sabay na sabi naming lima, pagkatapos nun ay umupo na kami.
Tinanong ni Ate Ash si Ria at Anna kung ano daw yung masasabi nila sa past self nila.
"Ang masasabi ko lang sa past self ko, salamat kasi di ka sumuko. Di mo sana mararating to kung sumuko ka, and the lesson I learned is. Don't run from your fear, face it. Wala kang mararating kung parati kang tumatakbo sa kinakatakutan mo." Sabi ni Ria, lumingon sya kay Anna at nag tanong. "Ikaw? Anong masasabi mo sa past self mo?" Pag patuloy nya habang nilalaro yung ice sa brandy glass nya.
"Salamat kasi kahit pagod na pagod na, di sumagi sa isip mo ang gumive up. You always look at the bright side, sabay sabing kaya mo yan! Kahit minsan ang toxic na, di ka parin sumuko. Tapos same lang tayo ng lesson na natutunan, wala na akong masabi." Sabi ni Anna sabay inom sa baso nya.
BINABASA MO ANG
Confused [COMPLETED]
RomanceLiff Adielle, the Sweet chick of Phoenix International Academy. She's happily living her life together with her Boyfriend Kielton Mendoza, but that peaceful life of hers started to change when she met the Drop Dead Gorgeous Hot Attorney of her fathe...