Chapter 25

32 2 2
                                    

ADIELLE

Nagkatinginan padin silang dalawa, at ni isa sa kanila ay ayaw bumitiw sa pagkakatitigan.

"Ay chismis, I smell something fishy. Magkaka kilala kayo?" Biglang sabi ni Anna na tinawanan naman ni Ria.

Tumawa naman sina Ate Kyle at Ate Ash, para ma wala yung awkward silence.

"Ahh, we were old friends. Right Ryu?" Agad na sabi ni Venice at binalingan si Ryujin.

Ngumiti si Ryujin ng maliit at tinignan sa mata si Venice.

"Hmm right, old friends indeed." Mapait na sabi ni Ryujin sabay upo sa tabi ko sabay titig kay Venice.

Umupo naman si Cypher sa harap namin, habang si Venice ay nakayukong sumunod kay Cypher.

I slightly bumped his arms with my elbow.

"Oi, wag mo ngang titigan si Venice. Na a-awkwardan yung tao." Bulong ko sa kanya.

"Di ko sya tinititigan." He whispered back.

Sinamaan ko naman sya nang tingin.

"Anong tawag mo dyan? Tingin?" Sarkastiko kong tanong na tinango-an naman ng tangina.

"Bobo!" Pa bulong na asik ko sa kanya, at sinamaan naman nya ako ng tingin.

"Mas bobo ka." Pabalik na sabi nya sakin.

Sinamaan namin ng tingin ang isa't-isa at natigil lang nung may tumikhim sa harapan namin.

"Ahh ehh, simulan na natin yung final fitting?" Suhistyon ni Ate Kyle na sinang-ayonan nina Anna.

Unang sinukat ni Ate Ash yung gown nya, it is a backless Copper Rose gold lace gown na may kahabaan sa likod.

"Ang ganda!" Sabay na sabi namin nina Ate Kyle.

"Yes, it suits you Ashley. You look beautiful." Naka ngiting puri ni Venice.

"Awe, thank you guys." Sabi ni Ate Ash.

Tinignan nya yung repleksyon nya sa salamin habang hinahaplos yung dress.

"Si Claude tumutulo yung laway habang naka tingin sayo Ash. Hahahaha." Tumatawang sabi ni kuya Yuchen.

Natawa naman kaming lahat sa sinabi nya kaya binatukan sya ni Kuya Claude.

Lumakad papalapit si Ate Ash kay Kuya Claude, sabay pose sa harap ni kuya.

"Do I look good baby?" Tanong ni Ate Ash kay kuya Claude.

Agad namang hinagip ni Kuya Claude yung bewang ni Ate sabay yakap dito.

"Hmm yes baby, you look beautiful so beautiful in that dress that I want to marry you already." Sabi ni Kuya Claude na nakapag patigil kay Ate Ash.

At agad naman naming tinudyo.

"Uyyyyy" tudyo naming lahat except kay Venice na ngumiti lang.

"Oh my god, is that a proposal baby?!" Agad na tanong ni Ate Ash.

"Hmm, depende sa pagkaka intindi mo sa sinabi ko." Sabi naman ni Kuya Claude.

Nakita ko naman ang bahagyang pag pula ng mukha ni Kuya Claude sabay hugot ng isang box sa bulsa nya.

"Omooooo." Sabi naming mga babae.

Napahawak naman si Ate Ash sa bibig nya at maluha-luhang tinignan yung box at sa naka luhod na na si Kuya Claude.

"Marry me." Natawa naman ako sa way na pagkaka sabi ni Kuya. Parang nangu-ngutos.

"Kahit di mo na ako utosan na pakasalan ka, gagawin ko. Papakasalan kita Claude." Mangiyak ngiyak pero tumatawa na sabi ni Ate Ash.

Confused [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon