ADIELLE
Nag mamadali akong bumaba at nag tungo sa garahe, kinuha ko yung phone ko na nasa bag at tinawagan si Anna.
"Oh?" Bungad nya ng sinagot nya yung tawag ko.
"Nasan ka? Nasa Café kana ba?" Tanong ko sa kanya at pumasok na sa sasakyan.
Inayos ko muna yung rear view mirror, bago pinaandar yung kotse.
"Yes ghurl, nandito na ako. May kikitain nga ako." Sabi nya sakin, at narinig ko pa syang ngumuya.
"Okay, wait for me." Sabi ko sa kanya, at pinatay na yung tawag.
While driving papuntang Café, nag iisip ako ng mga salitang sasabihin ko kay Kiel.
Hindi nag tagal ay, pumasok na naman sa isip ko yung mga salitang sinabi ko kay Kiel.
Napa mura na lamang ako sa aking isip, I hope hindi pa ako huli.
After I make things clear with Kiel, I'll ask for papa's help para makapag usap kami ni Cypher.
Inihinto ko yung sasakyan, nang makarating ako sa Café na malapit sa condo ni Kiel. Nasa labas pa lang ako pero kitang-kita ko na yung likod ni Anna.
Pumasok na ako sa Cafe at lalapitan na sana sya, ng makita kong may kausap syang Mysterious looking guy.
He really looks mysterious kasi naka black cap, at shades. Nahalata yata nung guy na tinitignan ko sila, kaya bumaling sya kay Anna at dali-daling tumayo at nag lakad paalis.
Weird...
Nilapitan ko si Anna at mahinang hinampas.
"Hoy, sino yun?" Tanong ko sa kanya at umupo sa harapan nya, kung saan naka upo yung guy kanina.
Mukha pa syang nagulat nung nakita nya ako.
"Adi! Nandito kana pala, ba't di ka man lang nag text?" Sabi nya sakin, at ngumiti.
Tinanong ko sya ulit kung sino yung lalaking yun.
"Sino yun? Jowa mo?" Tanong ko sa kanya, nan laki naman yung mga mata nya sa tanong ko.
Todo iling sya at iniwagay-way pa yung kamay nya sa harap.
"Hindi no! Di ko nga kilala yun, napulot nya yung isa ko pang wallet nung nag punta ako sa mall at nakipag kita sya sakin ngayon para ibalik." Sabi nya sakin, I eyed her suspiciously.
"Bat parang ang defensive mo?" Pinaningkitan ko sya ng mata, at nag tanong ulit.
"Bat naka cap at naka shades? Siguro sinabihan mo na magkikita din tayo dito kaya pinasuot mo ng ganun para di ko makita yung mukha ng secret bf mo?" Sabi ko at nag tanong ulit.
"Bakit nung nakita nya ako nag mamadaling umalis? Bat hinawakan ka nya sa kamay? Nakita ko yun Anna Marie, bat ngiting-ngiti ka kanina? Para kang high school student na kinrush back ng crush nya." Sunod sunod na tanong ko.
She gave me a deadpan look and she rolled her eyes at me.
"Bat tanong ka ng tanong? Di ko nga kasi jowa yun, para kang imbestigador. Sa kakasama mo kay Cypher na hawa kana sa question disease nya, paalala lang gurl. Med student ka hindi Lawyer." Sabi nya sakin, napangiwi nalang ako kasi habang sinasabi nya yun. Palakas ng palakas yung boses nya.
"Okay fine di mo na jowa yun." Sabi ko at hinila yung plate nya na may lamang cheesecake, at kinain yun.
"Wow, gutom na gutom boi?" Tinaasan nya ako ng kilay. "Oh sayo nadin, baka mabulunan ka." sabay bigay nung frappe nya.
BINABASA MO ANG
Confused [COMPLETED]
RomanceLiff Adielle, the Sweet chick of Phoenix International Academy. She's happily living her life together with her Boyfriend Kielton Mendoza, but that peaceful life of hers started to change when she met the Drop Dead Gorgeous Hot Attorney of her fathe...