Chapter 15

36 1 8
                                    

ADIELLE

"Ang hirap mong mahalin Adielle..."

Napa balikwas ako ng bangon, at pinadaos-dos yung kamay sa mukha ko.

It's been 3 days since that night, his words, his sobs, and his tears are repeating on my mind. Pati na din sa pag tulog, parati ko syang napapanaginipan.

Ever since that night, di ko na sya nakita ulit. Di din binanggit ni papa yung nangyari kinabukasan.

Napa tigil ako sa pag-iisip ng tumunog yung phone ko, lumapit ako sa may side table at inabot yun. It's a message from super girls.

Super Girls

Anna: Yo, morning people! Gala tayo? I'm bored... 😣

Ria: Sorry, I can't right now. I need to study for the board exam, gtg bye.

Kyle: Sorry girls, I'm on duty. Enjoy yourselves nalang.

Ashley: Me too, may client akong ime-meet. Importante kasi to, babawi ako next time.

Anna: Okay lang, @Liff Adielle gala tayo Adi. Lantang lanta na ako dito sa bahay. 😫

Should I come? Maybe, pupuntahan ko nalang si Kiel para sabihin sa kanya yung sagot ko.

Liff Adielle: Sure, samahan mo nadin ako sa condo ni Kiel. May sasabihin ako sa kanya.

Pang aalok ko kay Anna, even though alam kong di yan sasama sakin kasi di nya gusto si Kiel.

Anna: Hmm Sure

Say what?! Si Anna pumayag?!

Liff Adielle: Say what now?! Buti pumayag ka, ayaw na ayaw mong pumunta or dumaan lang sa may condo ni Kiel. Anong nakain mo bitch?

Takang tanong ko sa kanya, kasi ayaw na ayaw nya talagang dumaan man lang dun.

Anna: Wala akong choice! May kikitain ako dun sa cafe na malapit lang sa condo ng gago. 😒

Liff Adielle: Sige Anna Marie, kita nalang tayo dun sa cafe nayun. Sasamahan muna kita, bago ako pupunta kay Kiel.

Anna: Okieee, bye bye. See you there Adi, luv you! 💕

Liff Adielle: Luv you too.

Umalis ako sa aking kama, at nag tungo pa puntang banyo. I took off my clothes, and went to the Shower.

Habang nasa ilalim ng shower ay, napunta na naman yung isip ko sa eksena 3 days ago.

"Ang hirap mong mahalin Adielle..."

"Does his love for you greater than mine?"

"Are you happy Adielle?"

"Okay then, I'm not bothering you anymore."

Napa tigil ako sa pag-iisip ng, naramdaman kong uminit yung sulok ng aking mata.

I felt my eyes watered, so I closed my eyes and let my tears fall.

Confused [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon