Chapter 22

25 2 2
                                    

ADIELLE

Napa ungol ako at napahawak sa ulo ko, ng naramdaman kong parang mabibiyak iyon dahil sa sakit.

Dahan dahan akong bumangon sa pagkakahiga habang hawak padin ang ulo ko, at dahan dahang sumandal sa headboard ng kama.

Aalis na sana ako sa kama ng napagtanto kong wala ako sa sariling kwarto.

Nanlaki yung mata ko at agad sinilip yung sarili ko sa ilalim ng kumot, kung wala ba akong saplot.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang suot ko padin yung damit ko kagabi.

Pero nasan ako? Shit, na kidnap ba ako?!

Luminga linga ako sa paligid para hanapin yung phone ko, pero di ko ito nakita.

"Shit shit shit" sunod sunod na mura ko habang patuloy padin sa pag hahanap sa phone ko.

Shit talaga! Pano na si Admiral?! Sina mama at papa?! Si Alliyah at Akiro?!

Napa-upo ako sa kama at sinabunotan yung sariling buhok.

Tumayo ako at bubuksan na sana yung pinto-an, ng bigla itong bumukas.

Nakahinga ako ng maluwag nang iniluwa nito si Ria.

Na gulat naman sya nang nakita nya akong nakatayo sa gilid ng pinto-an.

"Shit akala ko multo! Ikaw lang pala yan Elle." Sabi nya habang naka hawak sa dibdib nya.

Di ko pinansin yung sinabi nya at agad ko syang niyakap, akala ko talaga at na kidnap na ako.

"Bitiw muna Elle, ilalagay ko muna tong breakfast mo." Sabi nya at itinulak ako ng mahina.

Ngayon ko lang nakita na may dala dala syang tray ng pagkain.

Pumunta naman ako sa bed at umupo, pinanood ko lang syang ilagay yung mga pagkain sa center table na nandito sa kwarto.

Napa hawak ako sa ulo ko ng bahagya yung kumirot.

Shit ano ba yung ginawa ko kagabi? Wala akong maalala!

Lumapit si Ria sakin, at binigyan ako ng pain reliver at isang basong tubig.

"Ang sakit ng ulo ko..." mahinang sabi ko na narinig naman ni Ria.

"Yan! Inom pa Adielle, kung hindi palang ako tinawagan ni Ryujin kung nasan ka baka kung ano na yong nangyare sayo!" Sabi nya sakin, umupo sya sa harap ko.

Wait, sinong Ryujin?

"Sino si Ryujin?" Putol ko sa pag ra-rant nya. Tumigil naman sya at sinamaan ako ng tingin.

"Yung may ari ng bar! Kung hindi nya ako tinawagan gamit yung phone mo baka may masama ng nangyari sayo!"

Shit yung phone ko!

"Nasan yung phone ko?" Putol ko naman sa pag papangaral nya sakin.

Kumunot naman yung noo nya, at umiling.

"Ewan ko, pagka rating ko dun kinuha lang kita tapos dinala ka dito sa bahay namin. Di kita dinala sa inyo kasi sobrang lasing mo, baka mapagalitan ka na naman ulit ng nanay mo." Sabi nya sakin sabay tayo.

"Bakit di mo kinuha yung phone ko? Baka paki-alaman kung sinong naka pulot nung phone ko yung mga files na nandun! Importante pa naman yung mga yun!" Frustrated na sabi ko habang sinasabunutan ang sariling buhok.

"Gaga, kung importante naman pala bakit hindi mo hinawakan sa umpisa palang! Yan tuloy nawala na." Sabi nya sakin at binigyan ako ng tingin, the way she said those words. Para bang iba yung tinutukoy nya.

Confused [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon