Chapter 11

35 3 9
                                    

ADIELLE

"CONGRATULATIONS!" sabay na sabi namin nila Ate Kyle at Ate Ash kina Ria at Anna.

Finally, after so many years. Graduate na sila, I'm so happy for them.

"Awwe, Thank you Guys!" Sabay na sabi nilang dalawa, sabay yakap samin.

"Buti nakarating kayo, especially ikaw Ate Kyle. Doctor ka pa naman, masyadong hectic yung schedule mo." Sabi ni Anna kay Ate kyle habang inaayos yung buhok nya.

"Ano kaba naman! Pinag handaan ko kaya tong Graduation nyo, week before this day ay nag paalam na ako sa Head namin. I cannot miss this." Naka ngiting sabi ni Ate kyle sa kanila.

"Iiyak na ba kami Ate? WAHAHAHAHA." Tumatawang sabi ni Ria, kahit kelan abnormal tong babaeng to. Feeling ko nga nung pinanganak sya ni Tita, nabagok ulo ni Ria.

"Sige iyak lang kayo, gusto nyo bigyan ko kayo ng tissue?" Sakay sa trip na sabi Ate Kyle.

Hayss, ako lang ata yung normal sa'min. Kawawa naman ako, napapalibotan ng mga abnormal.

"Oh sige na, puntahan nyo na pamilya nyo. Pupuntahan muna namin ni Ash sina Yuchen, kita kita nalang tayo sa Club Sunset mamaya para mag Celebrate." Sabi ni Ate Kyle samin, kasama pala nila si Kuya Yuchen at si Kuya Claude.

"WOOHHH, LET'S PARTEHH!!" Sabay na sigaw ni Ria at ni Anna habang naka taas pa yong dalawang kamay nila, dahil sa sigaw nilang dalawa napatingin tuloy yung mga tao samin.

"Aray Ate Kyle!/Ate Ash!" Sabay na asik nila Anna, nabatukan kasi sila ni Ate Ash at Ate kyle hihi.

"Ang iingay nyo! Kailangan isigaw?" Suway ni Ate Ash sa Kanila, napa nguso naman yung dalawa sabay sabing sorry.

"Ehh ano naman kung isigaw naman ate? For sure pupunta din sila dun mamaya." Sabi ni Anna kay Ate Ash at pabirong inikotan ng mata.

Natawa naman kami ng batokan sya ulit ni Ate Ash.

"Aray! Nakaka dalawa kana Ate ah!" Asik ni Anna kay Ate Ash.

"Ows, gusto mong gawin kong tatlo? Pwede naman." Sabi ni Ate Ash kay Anna, at aktong babatukan ulit nya ng umatras ito at nag fighting stance.

Pinag titinginan na kami dito dahil sa ingay nila, pero kahit na ma-ingay sila. Mahal ko yang mga yan, kahit di halata.

"Oi oi oi tama nayan, sige na layas na kayo." Awat ni Ate Kyle kina ate Ash at Anna, at sinabihan sina Ria na umalis na.

"Ate pinapalayas mo na kami?" Sabi ni Anna na may teary eyes with matching pout.

"Di mo na kami love?" Si Ria yan with matching teary eyes at pout din.

"Wala naman kaming ginawang masama ah, bakit mo kami pinapa layas?" Sabi ulit ni Anna.

Sinakyan naman ni Ate Ash yung kalokohang ginagawa nung dalawa.

Huminga muna ng malalim si Ate Ash, sabay sabing.

"Guys, mahal ko kayo. Pero mas mahal ko talaga sya, sorry di ko kayang ibalik yang pag mamahal nyo. Pasensya na kayo ah, Godbless." Sabi ni Ate Ash sabay hawak sa dibdib nya kung saan naka locate yung puso nya.

Dahil sa sinabi ni Ate Ash, ay tila nag flashback sakin yung sinabi ko kay Cypher nung araw nayun.

Napa yuko ako, It's my fault. I depend on him too much.

Napa tingin ulit ako sa tatlo na nag d-dramahan sa harap ko.

"Ate bakit ka ganyan? Sinasaktan mo puso namin." Sabi ni Ria na umaaktong umiiyak.

Confused [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon