Chapter 17

30 2 8
                                    

ADIELLE

Nag mamadali akong tumakbo pa puntang elevator, halos masira ko na nga yung down button sa kaka pindot ko.

"Adielle, kalma makaka punta din tayo dun." Pigil sakin ni Anna.

Di ako nakinig sa kanya at patuloy padin ako sa pag pindot sa down button, ng di sya naka tiis ay binatokan nya ako ng pagka lakas lakas.

Inis ko syang ni lingon, at sasamaan na sana sya ng tingin ng makitang naka kunot na yung noo nyang naka tingin sakin.

"Adielle! Alam kong gusto mo ng puntahan si Cypher, but please lang dahan-dahanin mo yung pag pindot sa down button ng elevator. Pag nasira yan mas matatagalan pa tayo, kaya please lang huminahon ka. Makaka punta din tayo dun." Sabi nya sakin habang hinawakan yung kamay ko para pigilan sa pag pindot.

"Anna, you don't understand." Sabi ko sa kanya habang pilit na kumawala sa hawak nya.

Sinamaan nya ako ng tingin at pinag kunotan ng noo.

"Oh I understand alright, I understand na galit ka sa gago mong ex. At gusto mo ng makita si Cypher, but please huminahon ka muna. Walang pa t-tungohan to." Kalmadong sabi nya sakin.

Bumuntong hininga nalang ako at nakinig nalang sa sinabi nya, she's right I should calm down. Makikita ko din naman sya.

Bumukas na yung pinto-an ng elevator at pumasok na kami, pinindot ni Anna yung ground floor at sumandal sa malapit sa mga buttons.

Gusto ko mang pindotin ng paulit-ulit yung button, ay natatakot akong mabatukan ulit ni Anna. Masamang magalit si Anna, kaya di ko yun hihilingin.

Nang bumukas na yong pinto-an ng Elevator ay dali dali akong lumabas, at tinakbo ko na yung exit ng condo.

Pagkalabas ko ay nag mamadali akong pumunta sa sasakyan, at hinanap yung susi sa bag ko.

Pagka kuha ko ng susi ay, bubuksan ko na sana yung pinto ng pinigilan ako ni Anna.

Frustrated akong napa buntong hininga at bagot na nilingon sya.

"What now?" Pigil na inis na sabi ko, nakita ko syang nag lahad ng kamay. At nalilito ko yung tinignan.

"Keys." Kalmadong sabi nya, mag tatanong na sana ako ng bigla nyang kinuha sakin yung susi.

"Wala akong tiwala sa pag d-drive mo pag ganito ka, nag mamadali. Baka ma aksidente tayo, na wag naman sana. Di pa ako nakakapag board exam, kaya wag muna." Sabi nya sakin

"Tabi dyan." Sabi nya, kaya tumabi nalang din ako. Sinundan ko sya ng tingin papasok sa driver seat.

Nang hindi ako pumasok ng sasakyan, at naka tayo lang sa labas habang nakatingin sa kanya. Bumusina sya at sumenyas sakin na pumasok na.

Pumasok na ako sa passenger seat at ikinabit yung seat belt.

"Where to? Princesa ni Cypher." Sabi nya sakin habang naka ngisi, pinag mulahan naman ako ng mukha.

Where would Cypher be, maybe he's working. A little of his time wouldn't hurt right?

"Let's try to my dad's firm." I told her, I saw her nod and she started the engine.

While on our way to my dad's firm, may mga tanong na nasa isip ko.

Would he listen to me? If he listens, will he believe me? Does he still love me? Is he angry at me?

I feel like my mind will pop any moment now.

I snapped out from my reverie when the car stopped in front of my dad's firm.

Confused [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon