SPECIAL CHAPTER: MOTHER'S DAY

25 3 0
                                    

NARRATOR

Today is a very special day, and Cypher planned a simple surprise for his wife. Of course with the help of their kids.

Cypher is in their backyard, preparing everything when his two sons showed up.

"Daddy! Everything is ready! And Mommy is still asleep." His 5 year old son said, while holding his 3 year old brother's hand.

"Mhm!" His 3 year old son agreed.

Cypher smiled at sinenyasan ang dalawang anak para lumapit sa kanya, nang makalapit ang dalawa. Niyakap nya ang mga ito at tsaka hinalikan sa noo, at naka ngiting sinabihan kung ano ang kanilang gagawin.

"Very good my babies, so here's what you will do. I will give you a flower, and you will hand it to Mommy later okay?" Nakangiting sabi ni Cypher sa dalawang anak, na kaagad namang tumango. At binigyan nya ito ng tig-iisang stem ng pulang rosas.

"Very good, now let's fetch your sister." He said while smiling and he carried the two towards their house, nang nakapasok sa bahay. Dinala nya ang dalawa sa ikalawang palapag, kung saan ang kwarto ng kanyang bunsong anak.

Ibinaba nya ang dalawa ng nasa tapat na sila ng kwarto ng kanyang bunsong anak, at binuksan yun.

Bumungad sa kanya ang 6 na buwang anak na nasa loob ng crib, na gising na at malapit ng umiyak. Agad namang lumapit si Cypher, at agad na kinarga ang babaeng anak. Na agad namang ngumiti ng makita sya.

"Dada!" Masayang sabi ng bunsong anak at inabot ang mukha ng ama tsaka hinagkan.

"My baby princess, good morning." Masuyong sabi ni Cypher sa bunsong anak at hinalikan ito sa noo, na ikinatuwa naman ng anak at hinalikan din ang ama sa pisngi.

"Good morning little sis!" Masiglang sabi ni Caecilius Adler, ang panganay nya.

"Morning little sis." Masayang bati naman ni Caspian Adley, ang pangalawa.

Humagikhik naman ng tawa ang bunsong anak na si Adeline Cypris, at iginalaw ang kamay na tila ba inaabot ang kanyang mga kuya.

Cypher thought that, when he and Adielle got married. Yun na ang pinaka masayang nangyare sa kanya, oh he thought wrong. Wala nang mas isasaya pa ng ipinanganak ng asawa nya ang kanilang mga anak, halos sumabog ang puso nya sa saya ng makita ang kanilang maliliit na supling.

Napaka sarap sa pakiramdam ang matawag na tatay.

Iginaya nya ang mga anak pa punta sa kwarto nilang mag-asawa, ng nakarating sila sa tapat ng kwarto. Binuksan nya yun gamit ang isang kamay, at pina-unang pumasok ang dalawa anak.

Lumapit sya sa higaan, at inilapag dun si Cypris. Tinulongan naman nya yung dalawang anak na lalaki na maka sampa sa higaan.

"Go wake mommy up." Nakangiting sabi nya sa mga anak, tumango naman ang kanyang mga anak na lalaki at nag simulang gisingin ang kanilang mommy gamit ang halik. Nakita naman yun ng bunsong anak, kaya gumapang ito palapit sa ina at ginaya ang ginagawa ng dalawang nakatatandang kapatid.

Habang ginigising ng mga anak ang kanyang asawa, agad naman syang lumabas ng silid at patakbong bumaba para kunin ang naka handang bouquet of Tulips na nasa living room.

Habang kinukuha ni Cypher ang bulaklak, nagising naman si Adielle sa pagkakatulog. At tumawa dahil sa pinag gagawa ng mga anak.

"What a sweet way of waking me up." Masayang sabi ni Adielle, at tsaka isa-isang niyakap at hinalikan ang mga anak.

"Happy Mother's Day Mommy! I love you!" Sabay na bati nina Adler at Adley sa ina, at binigay ang rosas na dala dala. Habang naka ngiti namang pumalakpak si Cypris, habang naka tingin sa mommy nito.

Agad namang napa-luha si Adielle dahil sa saya, at yinakap nya ang mga anak.

"Thank you my babies, mommy loves you so much." Madamdaming sabi ni Adielle, at yumakap ng mahigpit sa mga anak.

Yun ang nadatnan ni Cypher ng pumasok sya sa loob ng kwarto nila, nakangiti naman nya itong tinignan habang pinupunasan ng mga anak ang basang pisngi ng asawa.

Tumikhim sya para makuha ang atensyon ni Adielle, na agad naman syang nilingon at nginiti-an.

Lumapit sya dito habang hawak hawak ang bouquet of tulips, at umupo sa gilid ng higaan.

"Happy Mother's Day, love. I'm so lucky to have you as my wife and the mother of my kids, thank you for everything that you have done for us. You really are a super mom, I love you so much." Madamdaming sabi ni Cypher habang nakatingin sa mata ng asawa, binigay nya ang bulaklak at sabay halik sa mga labi ng asawa.

Agad namang tumulo ang luha sa mga mata ni Adielle, at hinila nya ang asawa para yakapin.

"Thank you so much baby, parang sasabog na yung puso ko sa saya." Nakangiting sabi ni Adielle habang yakap yakap si Cypher, kumawala sila sa yakap ng isa't-isa. At sinakop ni Adielle ang pisngi ni Cypher, at masuyo itong hinalikan. Na agad namang tinugonan ng asawa.

Agad naman silang napaghiwalay ng yumakap ang kanilang dalawang anak sa kanila.

"Is it time for kisses?" Inosenteng tanong ni Adley sa dalawa.

"Yeah, is it time for cuddles too?" Tanong din ni Adler.

"Dada! Mama! " Masayang bigkas ni Cypris, at pumagitna sa dalawa. Natawa naman ang mag-asawa, at pinugpog ng halik ang tatlong anak.

Dahil nag lalambingan ang pamilya Saavedra, ipinadala nalang ng mayordoma ang pagkain nila sa kwarto ng mag-asawa.

They spend the rest of their day, playing, kissing, and hugging their kids.

'Yes, this is way better than going out.' Adielle thought.

YannieDee_

Hey guys, sorry its short. But I hope you enjoyed reading this SC.

Happy Mother's Day! ♥︎

Thank you, and God bless. ♡

Confused [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon