Chapter 6

40 5 5
                                    

ADIELLE

Time check, it's already 3:30 in the afternoon. And we're still here at Starcbucks, nag k-kwentohan.

"Kelan ba yung Olympics sa Japan?" Biglang tanong ni Ria samin.

"Ewan ko, taga Japan ba kami Ria?" Sagot naman ni Anna na tumusok ng cake tapos sinubo, tsaka umirap.

Natawa ako, basta talaga tong dalawa ang mag-sama sasabog nalang yung lugar dahil sa ingay nila.

"Tinanong ko lang gurl, masamang mag tanong?" Taas na kilay na sabi ni Ria.
Sabay na Umirap yung dalawa.

Natawa na naman ako, kaya tinaasan nila ako ng kilay.

Tinaas ko yung dalawang kamay ko na parang sumusuko.

"Bakit mo ba natanong Ria?" Tanong ko.

"Kasi sabi nung ending na napanood ko na Anime, see you sa 2020 daw. So I think na isasabay yun sa Olympics ng Japan." Explain ni Ria, sabay kain dun sa cake na in-order nya.

"Maiba tayo, anong plano mo kay gago Adi?" Tanong ni Anna sakin, napatigil naman ako sa pag subo ng cake.

"Sa totoo lang, di ko alam. Mahal ko padin sya eh." Sabi ko sa kanila ng nakayuko.

"Ay tanga." Sabay na sabi nilang dalawa at sabay na napa hawak sa noo.

Napa buntong hininga naman sila, at sabay pang sumandal sa upo-an nila.

"Nako Elle ahh, di ko na talaga gusto to." Sabi ni Ria, habang naka hawak yung kamay sa magkabilang braso.

Tumango naman si Anna at nag salita.

"Pero dahil kaibigan ka namin, at mahal ka namin. Fine, susuportahan ka namin dito sa pinag gagawa mo." Sabi nya na sinang-ayunan naman ni Ria.

"Thank you guys" sabi ko na nakangiti.

Tumango naman sila at may maliit na ngiti sa labi.

"Alis na tayo, san nyo ba gusto pumunta?" Tanong ko sa kanila, habang inu-ubos yung pagkain ko.

"National Bookstore" sabi ni Anna, tumango naman si Ria habang umiinom ng frappe.

"Oo, tapos Comic Alley nadin." Sabi naman ni Ria na ngayon ay naka ngiti na ng malaki.

"Okieee tara, tas punta tayo World Of Fun pagka tapos." Sabi ko naman, at tumayo na.

Tumayo naman sila at kinuha na yung mga bag nila.

Una naming pinuntahan ay yong Comic Alley, para namang batang naka kita ng Unicorn si Ria dahil sa tuwa.

Dali-daling kumuha ng basket si Ria, at nag simula ng mamili ng kung ano-ano.

Ika nga nya, Anime is her life.

Isang oras kaming nandun, kung hindi pa hinila ni Anna si Ria. Hindi yun titigil.

Pumunta na kami sa Counter, at inilagay yung limang malaking basket na puno ng Anime Stuff dun.

Tinulongan namin si Ria na ilabas yung mga Anime stuff nya sa basket.

Kinuha ko yung mga poster at ilalagay na sana sa counter ng matigilan ako sa nakita ko.

WTF, may nakita akong mga babaeng naka hubad. Kung hindi lang censored yung may bandang dibdib at dun sa ibaba nila, kita nayun.

Naka bukas yung bibig nila, at naka labas yung dila habang namumula yung pisngi.

"Seriously Ria?" Tanong ko sa kanya habang pinakita ko sa kanya yung poster.

Confused [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon