Chapter 24

22 1 0
                                    

ADIELLE

After nang lunch namin ni Ryujin, ay parati na syang pumupunta dito sa hospital para istorbohin yung trabaho ko.

Mga 3 months na din yung pang gu-gulo nya sa trabaho ko, kunti nalang nga ay ipapa ban ko na sya dito sa Hospital ni Ria.

Nasa gitna ako nang pag babasa ng report ng biglang bumukas yung pinto-an ng opisina ko.

"What's up babaeng pinagpalit sa malapit." Sabi nung asungot na lalaking feeling close.

Oo na, I admit close na kami kahit labag sa loob ko.

Dumiretso sya sa sofa at pasalampak na umupo dun.

"Anong kailangan mo? Umalis ka nga, nakakasawang makita yang pagmumukha mo. Halos everyday ko na yang nakikita, nakaka suka." Naka ngiwing sabi ko sa kanya.

Inismiran nya lang ako, at inilagay yung paa nya sa center table.

Speaking of, malapit na yung kasal ni Ate Kyle at ni Kuya Yuchen. 1 week na lang yung hihintayin, kaya ako. Trinabaho ko na yung kailangan trabaho-in para wala na akong p-problemahin.

Bridesmaid ako, si Ria, at si Anna, pati nadin yung Venice. Ginawang bridesmaid ni Ate Kyle, while si Ate Ash ay Maid of Honor.

Dahil nga at kilala na ni Ate Kyle at kuya Yuchen si Ryujin, ay ginawa nilang Groomsmen si Ryujin.

Binalingan ko si Ryujin na nag babasa ng Forbes Magazine, at pinupuri yung cover ng Magazine kasi sya yung cover nito.

"Tawagoto, naze watashi wa totemo hansamuna nodesu ka" pag a-alien nya habang naka tingin sa cover.

(Translation: Shit, why am I so handsome)

Dahil sa kakasama ko sa kanya ay may alam akong kunting Japanese, kaya naintindihan ko yung sinabi nya.

Di ako naka tiis kaya binato ko sya ng correction tape.

Sinamaan nya ako ng tingin.

"Manahimik kang hapon ka, di ako natutuwa sayo kaya lumayas ka sa opisina ko." Sabi ko sa kanya, pero di nya lang ako pinansin.

Di ko nalang sya pinansin at nagtrabaho na ulit, maka lipas ng ilang minuto ay nag lagay sya ng kape sa harap ko.

Nagpa salamat naman ako at ipinag patuloy na yong trabaho ko.

Isa din sa dahilan kong bakit di ko mataboy taboy tong si Ryujin kahit parati kaming nag pipikonan, ay mabuti syang kaibigan.

Nang natapos ko na yong trabaho ko sa araw nato, ay binalingan ko si Ryujin na nag lalaro ng Mobile Legends sa Ipad ko.

Sanay na ako na kinukuha nya yung mga gamit ko, sya pa nga yong nag download ng Mobile Legends sa Ipad at phone ko.

Account din nya sa ML yong naka log in sa Phone at Ipad ko.

"Hoy." Tawag ko sa kanya.

Itinaas nya ng kunti yung mukha nya pero naka tingin padin sya sa Ipad.

"Oh?" Sagot nya habang naglalaro padin.

"Sure ka talagang pupunta ka sa kasal? Bawal ang pangit dun." Asar ko sa kanya na bigla namang ibinalik nya sakin.

"Ows, so bawal ka palang pumunta dun? Mas pangit ka sakin eh." Asar nya pabalik sakin.

"Haha." Sarcastiko kong sagot sa kanya.

"Pero seryoso, pupunta ka talaga?" Tanong ko ulit sa kanya, habang ina-ayos yong gamit ko.

"Yes! Victory beybeh!" Masayang sabi nya, at in-exit na yong app at naglakad papalapit sakin.

Confused [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon