Chapter 13

28 2 3
                                    

ADIELLE

"Shet ang sakit ng ulo ko, di na talaga ako iinom." Sabi ni ate Ash habang naka hawak sa ulo nya.

"Di na yan tatalab samin Ashley, parati mo nayang sinasabi samin pag may hang over ka. Pero gagawin mo padin." sabi din ni Ate kyle habang nag v-video call kaming tatlo. Nakita ko din syang napa ngiwi sabay hawak sa ulo nya.

"Kasalan ko bang masarap yung alak pag malamig?! Kasalanan to ni Ria eh! Sya yung nag order uminom lang ako!" asik ni Ate ash sabay pabagsak na humiga.

"F*ck!!" Sigaw nya nung tumama yung ulo nya sa headboard ng kama.

Nakitang kong natatawang yumuko si Ate Kyle sabay takip sa mukha nya, umiwas naman ako ng tingin para hindi makita ni ate Ash na natatawa ako.

"Litseng hang over! Litseng headboard! Litseng alak!" Sigaw nya habang naka hawak sa ulo nya.

"Sinisi mo pa yung headboard at yung alak, kusa kang uminom ate." Sabi ko sa kanya, napa ngiwi ako ng tinignan nya ako ng masama.

"Adi!" Asik nya sakin. Napayuko nalang ako at pilit na wag tumawa.

"Ano ba yong pinag gagawa ko kagabi? Di ko na maalala." Tanong nya samin ni Ate Kyle habang hawak yung ulo nya.

"Wag mokong tanongin, lasing din ako. Buti day off ko ngayon." Sabi ni Ate Kyle.

Mag sasalita na sana ako ng sumali sa video chat si Ria. Mukhang bagong ligo kasi naka robe pa sya at may towel sa ulo nya.

"GOOD MORNING BEAUTIFUL PEOPLE!" She cheerfully greeted us with a smile on her face.

"RIA! KASALANAN MO TO! KUNG DI KA UM-ORDER NG SANDAMAKMAK NA ALAK KAGABI, EDI SANA NAKAPASOK AKO SA TRABAHO NGAYON AT DI SUMASAKIT YUNG ULO KO!" sigaw ni ate Ash kay Ria habang naka hawak padin sa ulo nya.

Ngumiwi naman si Ria at napa kamot sa ulo.

"Ate naman! Um-order ako pero di ko sinabing laklakin mo yung 10 bote, di ko nayon kasalanan." Ria defended herself.

Napa iwas ng tingin si Ate Ash, I hear her mumbled 'kasalanan ko bang napasarap yung inom ko.'

Napa ngiti nalang ako sa kanila.

"Mehehehe, so ano na." Naka ngising sabi ni Ria, yung ngisi nya na para bang may binabalak syang di maganda.

"Anong ano na?" Takang tanong ni Ate kyle habang naka kunot yung noo, pero napa ngiwi sya pagkatapos at napa hawak sa ulo nya sabay masahe dun.

"Hehehe, so may naka score ba kagabi? May hihintayin naba kaming lumabas after 9 months?" Naka ngising tanong ni Ria habang itinaas baba yung kilay nya.

Napa halakhak ako sa tanong ni Ria sabay tingin kina Ate Kyle at Ate Ash.

Nakitang kong namula yung pisngi nung dalawa sabay iwas ng tingin.

"RIA!" sabay na sigaw nung dalawa.

Napa halakhak kami ni Ria sa reaksyon nung dalawa.

"WAHAHAHAHA, pero alam mo ba ate Ash? Grabe yung ginawa mo kagabi WAHAHAHAHA, mas grabe pa yong ginawa mo kagabi kesa noon nung nalasing ka." Tumatawang sabi ni Ria, napatawa din ako nung naalala ko yun WAHAHAHAHA.

"Huh? Anong ginawa ko kagabi?!" Kinakabahang tanong ni Ate Ash.

Napa smirk naman si Ria.

"Weyt ate, send ko sayo. I took a video last night for your Birthday, kaya get ready ate. I will definitely post it to make fun of you on your birthday." Sabi nya habang naka smirk, and then she laughs like a crazy woman.

Confused [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon