EPILOGUE

35 1 2
                                    

ADIELLE

Today is finally the day! I will be marrying the man I love.

I'm excited and the same time, I'm feeling nervous. Habang inaayosan ako kay isinasa-ulo ko yung vows ko, baka dahil sa kaba ko mamaya makalimutan ko pa yung sasabihin ko.

Habang sinasa-ulo ko ay, may biglang kumatok sa pinto-an ng hotel room na inu-upahan ko.

Binuksan naman yun ng Assistant ng Videographer, at napangiti nalang ako ng makitang si Akiro yun.

Lumapit sya sakin, at may ibinigay na puting box.

"What is this?" Nakangiting tanong ko sa kanya, he just smiled and shrug.

"Su-utin mo daw yan ate, sabi ni Kuya Cy." Nakangiting sabi nya, niyakap muna nya ako bago sya umalis.

Napangiti naman ako at binuksan yun, at tumambad sakin ang isang napakagandang earring na puno ng diamonds at isang sulat.

Ngumingiting binuksan ko yung sulat at binasa.

Wear this Mrs. Saavedra, see you later. I love you.

-Mr. Saavedra

Napakagat naman ako sa aking labi, at bumaling kay Cyan na naka upo sa kama.

Kinuha ko muna yung isang box na naka lagay sa harapan ko, bago ko sya tinawag.

"Cyan, pwedeng pasuyo?" Kuha ko sa atensyon nya, ngumiti naman sya sakin at tumango.

"What is it Ate?" Tanong nya sakin at lumapit, binigay ko naman sa kanya yung box.

"Paki bigay sa kuya mo." Naka ngiting sabi ko sa kanya, tumango naman sya at lumabas.

Bumaling ako sa vow na sinasa-ulo ko, ime-memorize ko na sana ng may nag salita sa gilid ko.

"Anong feeling ng ikakasal Adielle?" Nakangiting tanong ni Anna sakin, habang ina-ayusan sya.

"Ang sarap sa pakiramdam, excited ako na kinakabahan. Excited kasi, finally. Akin na sya ng buong-buo, tapos kinakabahan kasi baka maka limutan ko yung vows ko." Sabi ko sa kanya.

"Wushu, di mo na yan makakalimutan yung vows mo. Halos sampung beses mo na yan sinasa-ulo." Sabi ni Ria na kakalabas lang ng CR at naka bihis na.

Natawa naman sina Ate Kyle, kaya napanguso ako.

"Baka hindi sya sa vow kinakabahan, baka dun sya kinakabahan sa kung anong mangyayari ngayong gabi. Mag ready kana Adielle, siguradong hindi ka patutulogin ni Cypher." Tukso ni Ate Kyle sakin, na sinundan naman nila Ate Ash.

Namula naman yung pisngi ko, at sinita sila.

"Ano ba, wag nga kayong ganyan!" Sita ko sa kanila habang namumula pa din yung pisngi.

Tumawa lang sila ng tumawa, habang ako ay parang gusto ng sumabog dahil sa pula ng mukha.

After nila akong ayusan ay, sinuot ko na yung wedding gown ko. Isa yong off shoulder Mermaid type lace gown.

Hinaplos ko yung gown habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin, lumapit naman sakin sina Ate Kyle, Ate Ash, Anna, at Ria. Sila yung nag suot sakin ng belo.

Nagulat naman ako ng bigla akong niyakap nina Anna at Ria.

"Isa-isa na kayong nagpapakasal, iiwan nyo na kami ni Ria." Sabi ni Anna habang yakap padin ako, unang bumitiw si Ria sa yakap at agad naman nyang hinila si Anna pa alis sa yakap.

"Gaga, ano ka sila Tita? Sila dapat yung nag sasabi nyan kasi sila yung magulang." Sabi ni Ria kay Anna.

Natawa naman sina Mama at Papa, at lumapit sakin.

Confused [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon