HP011

178 10 0
                                        

PICTORIAL


Walter's calling...

"Hello!" masaya kong sagot sa tawag niya.

Matagal siya bago nakasagot. I heard him cleared his throat. "Baba ka,"

"H-hah?"

"I'm here outside. I... want to see you," I heard him cursed in a low voice.

"Sa-sandali."

That was the last word before I ended the call.

I am wearing my usual sleepwear. Kinuha ko ang cardigan na nakasabit sa mga lagayan ko, sinuot ko 'yon bago lumabas ng kwarto. Malalaki ang hakbang ko na para bang may hinahabol. I was so excited to see him.

There, I saw a tall man standing in front of my apartment, naka cap ito habang nakapamulsa ang isang kamay. Wearing a black leather jacket, and a black fitted jeans. Seryoso na naman ang mukha at mukhang pagod na pagod.

Saan kaya siya galing?

Inalis niya ang pagkakabulsa sa isang kamay at walang pangundangan niya akong hinila. Napasubsob ako sa matigas niyang dibdib matapos ang ginawa niyang 'yon, niyakap niya ako ng mahigpit... sakto lang para makahinga ako dahilan ng pagkaka bitaw ko sa pintuan ng apartment ko.

Ramdam ko ang init ng kanyang yakap sa akin,  pakiramdam ko ay sobrang bigat ng dinadala niya. What happened? Tanong ko na hindi ko maisatinig. Dahil masyado akong nalulunod sa mga yakap niya. Hindi ko rin alam kong paano akong magtatanong sa kanya gayong pati ako ay lunod na lunod na sa paraan ng yakap niya.

Yakap na parang ngayon lang nangyari.

"I missed you so much," bulong niya. May kung ano ang nagwala sa sistema ko. Ang mabilis na pagtibok ng puso niya at puso ko ang tanging naririnig ko. Hindi ko alam kong pati siya ay rinig ang mga iyon.

"I-I m-missed you m-more," I whispered.

Nagtagal pa ng ilang minuto ang yakap niya, not thinking we're out of my apartment. He is now staring at me intensely, I feel like my knees are going to fall any moment now. Mabuti nalang at hawak-hawak pa niya ako sa aking mga baywang matapos ng mahabang oras na yakap. He then suddenly gave a soft kiss on my forehead.

Gulantang ako sa kanyang ginawa. Umawang ang labi ko sa pagkakagulat, ang kaninang mabilis na pagtibok ng puso ko ay mas lalo pang nadagdagan dahil doon. Pakiramdam ko ay anumang oras ay mag wawala ang puso ko. I do really love the way he kissed me on my forehead..

He licked his lower lip, while staring at my lips now.

"U-uh... why are you here, gabing-gabi na. And-" hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita at niyakap niya akong muli.

Pumasok kaya muna tayo? Baka may makakita sa 'tin dito. Although it's already midnight, probably most of the people here are now asleep. Mas mabuti na rin iyong sigurado.

"I came here because I wanted to see you. And... I wanted to tell you how much I missed you," he whispered huskily. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa. My heart beating so damn fast. Nilakihan ko sa pagbukas ang pinto para makapasok siya. Kanina pa kaming nakatayo sa labas ng apartment ko.

"Nagkita na naman tayo noong isang araw, e,"

"I know, but I still missed you every seconds," malambing niyang saad saka isinara ang pintuan. Nilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng apartment ko. Wala namang kalat. Thank, God!! Dahil palagi akong naglilinis dito.

Ang galing magpakilig ng lalaking ito, every seconds, my love for him is growing like a flower. That every beat of my heart is telling his name. Pwede pala talaga 'yon. Kahit na hindi ko alam kung ano ba talaga kami. Kung pareho ba kami ng nararamdaman sa isa't-isa. I have known about him not working in the school anymore. Iyon pa lang ang buo kong alam sa kanya.

Hey, Professor  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon