HP02

229 12 0
                                        

HIDE


Nagising ako kinaumagahan na para bang wala ako sa sarili. It's already 5:30 in the morning, maaga talaga ako kung gumising. That's my body clock. Bumangon ako saka naligo, still thinking about what I saw yesterday in the afternoon in that flower shop.

I'm drying my long straight hair while listening to my favorite playlist on my phone.

I need somebody to heal
Somebody to know
Somebody to have
Somebody to hold
It's easy to say
But it's never the same
I guess I kinda liked the way you numbed all the pain.

Maganda naman talaga ang boses ko. Pero ako lang ang may alam.

Tumayo ako at kinuha ang uniform kong nakalagay sa kama ko ng maayos, I put some coloured cherry pink lip tint on my lips and to my cheeks also. Para hindi ako maputlang tignan, masyado kasi akong maputi kong minsan napagkakamalang maputla at may sakit. Tumayo ako sa harapan ng malaking salamin at doon tinignan ang sarili. Hapit na hapit sa akin ang uniform ko. Kaya sexy tignan.

After breakfast nag paalam na ako kala Yaya na aalis na ako, hindi ko na naabutan sina Mama at Papa dahil may emergency meeting daw sila. Kaya napaaga ang alis nila. Gano'n naman palagi. Minsan lang kami kung magkasabay sa breakfast and dinner also. Sanay naman na ako doon. And I understand that. I know it's for my own good. Our families good.

Nasa parking lot na ako, pababa na ng sasakyan ko ng natanaw ko ang Prof. namin together with his friend... iyong kasama niya sa canteen kahapon. They're looking at me, but Professor Olivar catches more my attention. He's looking at me intensely, napagtanto ko iyon lalo ng magtagpo ang mga mata naming dalawa. Nag-iwas agad ako ng tingin at saka sinara ang sasakyan ko pagkatapos kong kunin ang mga books ko, bago umalis papasok ng school.

"I hate you, galit ako sayo. Bakit ka bigla-bigla nalang nag papakiss doon sa babaeng 'yon. Duh! Mas maganda naman ako doon. Malaki lang naman ang boobs niya ng... slight." I murmur while walking. Nakakainis! Padabog kong binaba ang books ko pagkapasok sa room, taka naman akong tinignan ni Elle. Bat ba ang aga-aga lagi ng babaeng 'to. It's already 7:40 in the morning na pala. 8:00 ang start ng first period namin. Ako pa yata ang muntik malate.

"What happen? Mukha kang nalugi ah," sabi niya habang nakatingin sakin.

"Nothing, kulang lang sa tulog," which is true kakaisip ko sa bwisit na halik na yun.

Mas masarap naman akong humalik don!

"Hindi halata na kulang ka sa tulog, Cinth, paano... ang blooming mo parin!" tudyo niya at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko.

"Ano kaba Elle, inborn na 'yan," sabi ko saka kumindat sa kanya, sabay naman kaming natawa. Just like that my mood change really quick.

"Oh, by the way. I have chicka for you," mahinang saad niya saka lumapit na para bang may ibubulong nga.

"What? Lumayo ka nga you're so malapit Elle, hindi ba pwedeng you keep distance naman?" sabi ko. Medyo tinulak tulak ko siya hindi naman malakas, tama lang para mapaatras siya.

"Whatever, Cinth! so heto na nga. I now know who that handsome man was with Prof. yesterday in the canteen," sabi niya.

"Who?" I asked.

"Professor Engi. Lukerecious Salazar, major in mathematics!" she proudly said. "Professor siya ng Engineering sa kabilang building," nagliwanag ang kanyang mukha.

Mukhang tanga!

"Okay..."  ani ko naman saka siya sumimangot. Kinurot ako sa tagiliran ko. Tignan mo'to mapanakit. Sa hindi ako interesado sa engineer na'yon eh, "Nakaka ilan kana ha!" kunwari ay galit ako. "I'm not interested with that Engineer of yours, okay? So I don't give a damn care about him!" sabi ko saka umupo, nangalumbaba ako, nakatayo pa rin siya sa harap ko. Maya-maya lang ay naglakad siya sa kanyang upuan at upo. Ilang sandali ay humarap muli siya sa 'kin.

Hey, Professor  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon