HP023

179 13 0
                                        

TWIN

"Armani,"

Huminga ako ng malalim at pilit na nilakasan ang loob bago tuluyang lumingon sa kanya. Pinilit ko ang sarili na huwag ipahalata kay Walter ang kabang nararamdaman ko. Hinawakan ko ang kamay at itinago 'yon sa likuran.

Mariin akong napalunok.

I look at his face, bakit mas gumwapo pa siya ng lalo? Ang makapal niyang kilay, malalim na mata na may mahahabang pilikmata. He's pointed nose, reddish lips, and a concrete jaw line. Bumaba pa ang tingin ko sa kanyang pangangatawan. Mas lumaki rin ang kanyang katawan kumpara noon.

Kaya naloloko, Hyacinth! Panay panlabas na anyo ang una mong pinapansin!

He's looking at me intensely like I wasn't real here standing alive in front of him and kicking! Like, it was a dream where he would never wake up.

Namilog ang mga mata ko nang mabilis niyang inisang hakbang ang pagitan namin at lumapit sa akin, umatras ako ng kaunti pero hindi iyon naging sapat para makaiwas sa kanya. Walang pakundangan niya akong niyakap ng mahigpit. Mas pinabilis lang no'n sa pagtibok ang puso ko. Alam kong maski siya naramdaman iyon. Sinubsob niya pa lalo ang kanyang mukha sa leeg ko, dahilan nang naramdamn ko ang mabilis niyang paghinga sa leeg ko.

"Fuck! I missed you so much!" He whispered weakly on my neck. Nanigas ako sa kinatatayuan at hindi alam kung ano ang gagawin.

Mabilis ko siyang naitulak nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"H-hello," sagot ko sa kabilang linya.

"Mommy! Where are you na po?" malambing na saad ng anak ko sa kabilang linya: Napatingin ako sa kaharap bago muling tumalikod.

Napalunok ako. Nanginig ang mga kamay ko.

"U-uh... p-pabalik na ako, bye." Mabilis ko iyong naibaba. I'm sorry baby.

"U-uh... I n-need to go." Why Am I even stuttering?

"Can we talk? He asked. Seryoso na ang tingin niya ngayon. "Please?" nagsusumamo ang boses iyang sinabi.

"Magkita na lang... tayo bukas, kailangan ko ng umalis. My so—father's looking for me." Tumango naman siya. He bit his lower lip, kaya lumabas ang pamatay niyang dimple.

Kaya ka nabubuntis e!

Umamba siyang lalapitan akong muli, "Hatid na kita,"  mabilis akong umiling at saka umatras. Mariin ang naging pag-iling ko sa alok niya.

"Hindi na, kaya ko na. Sige, u-uhm I'll go ahead."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at mabilis akong tumalikod papasok ng hospital. Mabilis akong napahawak sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

What now, Hyacinth?! Ano? Siya pa rin ba? After all those years of not seeing each other, ano? Still him?

"Mommy!"

Ang anak ko ang una kong nakita pagkabukas ko ng pinto. I hugged him so tight, hindi ko alam kung bakit ako na takot ng bigla. Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha ko.

"Armani, why are you crying? Is everything okay?" My father. Umamba pa itong lalapit pero pinigilan ko na dahil baka makasama pa sa kanya. Kahit na alam kong medyo okay na siya. Mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi, saka ako ngumiti kay Papa.

"You cry again, mommy? Why?" pabulong na sabi ng anak ko at saka hinawakan ang pisngi ko. Malungkot ang mga mata ng anak ko habang sinusuri ang mukha ko.

Hey, Professor  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon