HP014

170 10 0
                                        

SUPPORT


Weeks, Months have passed. Nakapag-enrol na kami ni Elle sa isang review center around Manila. Medyo may kalayuan sa apartment ko but it's okay, I have my car and Elle also.

Masyado akong naging busy sa pagrereview this past few weeks. But Walter, my understanding boyfriend, is always here with me. Palagi na rin siyang pumupunta sa apartment simula ng mag start ang pagrereview ko. Kung minsan ay sinusundo niya rin ako. I know he's busy with his work too. Medyo hectic pa kasi around Makati siya na assign this month.

Si Walter rin ang nagluluto madalas kapag nandito siya sa apartment ko. Minsan lang akong nakakapagluto kapag hindi masyadong busy. I know medyo nawawalan na ako ng oras sa kanya, hindi na rin ako masyadong nakakapag-text or tawag. Especially now, 5 days na lang before the board exam, dalawang araw pa naman iyon. Kaya puspusan ang pag-aaral ko ngayon. I slept around 12 midnight and woke up around 4 in the morning.

I'm so thankful for him, I swore kapag tapos na ako sa exam ay ibibigay ko sa kanya ang buo kong oras.

He's now cooking in my kitchen, tapos na ako sa mga inaaral ko ngayong araw kaya lumabas muna ako ng silid. I saw him busy, nakatalikod siya habang may nakalagay na apron sa kanyang baywang. Nakatupi ang kulay blue na polo niya hanggang siko. Lumapit ako sa kanya at niyakap ng patalikod.

"I love you," I whispered to him. Hinawakan niya ang kamay kong nakayakap sa baywang niya. Pinatay niya ang stove saka humarap sa'kin. Nagpunas siya ng kamay sa apron.

He gently cupped my face and kissed me on my forehead, nose and cheek. "Mas mahal kita," saka ako hinalikan ng mariin sa labi. I kissed him back. Bago pa man lumalim ang halikan namin ay lumayo na ang mukha niya sa'kin.

"Tapos kana? Let's eat." Tumango lang ako saka tinulongan siyang mag latag ng plato sa mesa. He's a good cooker, although marunong naman din ako.

"Feeling ko tumaba ako, napaparami lagi ang kain ko kapag ikaw ang nagluluto," I pouted. "Baka iwan mo na ako niyan, palagi pa naman akong busy."

"Feeling mo lang yan," he softly said. "And besides kahit mataba ka ikaw lang ang babaeng mamahalin ko."

He's always been like this. Minsan iniisip ko ang swerte ko para magkaroon ng isang kagaya niya.

"Talaga? Hindi ka magmamahal ng iba? What if—"

"No more what ifs, love. I love you, only you. Unless.." seryoso niyang sabi. The side of his lips curved for a smirk.

"Unless ano?" kunot noo kong tanong.

"Wala. Let's eat, love. I know you're starving for this," sabi niya tinuro ang nilutong hipon. Bigla akong nagutom. This is my favourite.

"Hmm, sarap!" hindi ko alam kung bakit naging tunog tunog pag-ungol iyon. Napatingin lang ako kanya habang ngumunguya. Tinaasan lang niya ako ng isang kilay.

"Mas masarap yung nagluto," he smirked.

"Really? Gaano kasarap?" I raised my brow. Akala mo ha?

"Hindi mo malalaman, kung hindi mo titikman."

Really walter? This man is so naughty. Nasa harap tayo ng pagkain. For God's sake!

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Palagi na lang akong natatalo kapag ganito ang usapan namin. Masyado siyang maharot! Hindi lang iyon halata dahil madalas siyang seryoso kung tumingin. Pero sa tagal ng pinagsamahan namin ay unti-unti ko siyang nakikilala.

"Patikim nga," umamba akong lalapit sa kanya. Tinulak-tulak niya ang noo ko. Saka siya tumawa.

"Just eat first, love. Maybe next time, when we are already married," seryoso niyang sabi habang nakatitig sa'kin. Umawang ang labi ko bumilis ang bigla ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niyang 'yon.

Hey, Professor  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon