HP08

166 12 0
                                        

NECKLACE


Ilang araw ang lumilipas simula no'ng huling pagkikita namin sa coffee shop. Hindi ko pa rin siya nakikita. Balak ko pa naman siyang kausapin para sana sa imbitasyon sa magaganap kong kaarawan sa Friday. Hindi na rin kasi siya pumasok, ang sabi ng pumalit sa kanya pansamantala ay mero'n lamang itong importanteng gagawin sa ibang bansa.

All of a sudden. Hindi man lang niya nagawa ang magsabi?

Today is Wednesday, pero wala pa rin siya.

Nandito ako ngayon sa library kasama si Elle. We were doing some stuff regarding school at nagre-review na rin. Kaharap ko ngayon si Elle na abalang-abala sa pagbabasa. Salubong na salubong ang mga kilay, for sure hirap intindihin ang binabasa. Ganyan ang ugali niya sa tuwing hindi niya nagegets ang binabasa tapos ay bigla-bigla nalang magtatanong.

"What hormones promote Hyperglycemia?" Walang hiya! Sabi ko na nga ba!

"Growth hormone and Cortisol, I guess," kibit balikat kong sinabi. Tumango naman siya

"Why?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Binaba niya ang hawak na libro at seryoso akong tinignan sa mukha, naghihintay sa kung ano ang isasagot ko.

Umayos ako ng upo bago sumagot, "Because, Growth hormone and cortisol promote gluconeogenesis and epinephrine that stimulates glycogenolysis. Uh, Excess thyroid hormone causes hyperglycemia by increasing glucagon and inactivation of insulin, thereby... promoting both gluconeogenesis and glycogenolysis... "saglit akong nag-isip. "An increase in any of these hormones can cause hyperglycemia." Hindi rin ako sigurado sa sagot ko pero mukhang tama naman.

Ngumuso siya. Madalas kaming ganito ni Elle tuwing nagre-review, sa ganitong paraan kasi ay mas tumatatak ang pinag-aralan namin.

"Pagod nako, parang sasabog na utak ko sa mga binabasa ko! Hindi na yata kaya ng brain cells ko!" reklamo niya ng nakanguso habang sinasara ang aklat na binabasa. She buried her face on the book.

"Then rest, mas lalo mo lang na makakalimutan ang mga inaaral mo kapag masyado mong binibigla ang utak mo. Wala ka pa naman no'n," biro ko sa kanya. I know Elle, she's more intelligent than me. Masipag lang talaga akong magbasa.

Mas lalo siyang ngumuso at sabay kaming natawa. Ending, nasita tuloy kami ng bantay sa librarian. Napa labas tuloy kami.

"Ang lakas mo kasing tumawa, ayan tuloy!" sabi ko sa kanya pababa kami ng hagdan. Hindi lang ito ang unang beses na napalabas kami ng librarian dahil sa kaingayan naming dalawa. Umiingay lang naman kami kapag kaonti lang ang tao sa loob, pero kapag marami ay hindi. We'll know our limits, and those students are way too tired, too. Lalo na kapag malapit na ang exams.

"Wow! Parang hindi malakas ang tawa mo ah! Hiyang-hiya ako, Cynth! Hiyang-hiya!" asik niya, parang sasabog na sa inis at galit. Tinawanan ko na lang siya.

"Ma-iba. Your birthday is coming this Friday, right?" Tumango lang ako.

"Paano 'yan? Mukhang hindi makakapunta ang love of your life mo?"

"Anong love of your life?! Ang baduy mo!" katwiran ko na medyo binangga ang balikat niya. Hindi ko siya mapalo dahil sa hawak kong mga libro.

"Edi, Mr. Right?" humagalpak naman siya ng tawa. Nailing nalang ako.

"Hindi siguro... I don't know," wala sa sarili kong sagot. Saka kami nagtuloy sa paglalakad. Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil doon.

This is supposedly my first birthday when I meet him. Sana lang ay makapunta siya.

Hey, Professor  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon