HP019

175 9 0
                                        

PREGNANT


Hapon nang dumating ako sa Davao's Airport. Kagaya nga ng inaasahan ay sinalubong ako ni Aling Ninita kasama ang isang lalaking hindi ko kilala. Isang puting SUV Van ang sumundo sa akin.

This is it. I will start a new life here.

"Ikinagagalak ko po ang makita kang muli, senyorita. Marahil ay napagod kayo ng husto sa byahe, si Omeng po pala, senyorita. Inarkela ko itong kanyang SUV para sa inyo," magalang na saad ni Aling Ninita. Medyo tumatanda na ito dahil halata na ang mapuputing buhok. Ngumiti ako sa kanya bago tumingin sa lalaking sinasabi niya.

"Tulungan ko na po kayo na buhaton ang inyong gamit, senyorita," si Omeng saka kinuha at tinulak ang maleta ko.

"Salamat po," nakangiti kong sinabi.

"Gamay ra ni, senyorita," malapad ang ngiti at halos makita ang gilagid niya. Nakasuot ito ng pulang t shirt at itim ang pantalon. Hindi gaanong kalakihan ang katawan at kayumanggi ang kulay ng skin nito. Makapal din ang kilay, matangos ang ilong. Mukha rin itong mabangong tingnan. Omg! What are you thinking, Hyacinth! Pero hindi maipagkakaila ang lamang ni Walter sa kanya. Napangiwi ako sa isiping iyon. For god sake, Cinth! You're here to forget everything right? So stop thinking of him.

"Pasok na po kayo." Pinagbuksan niya ako ng pinto matapos ilagay ang maleta ko sa likuran ng sasakyan.

"Magpahinga na po muna kayo, senyorita. Habang nasa byahe pa," si Aling Ninita. Abala si Omeng sa pagmamaneho.

"Matagal po ba ang byahe papunta sa isla?" Aling Ninita's place isn't in the city. Sa isang isla ito. Karamihan sa mga pumupunta sa lugar nila ay mga tourists magaganda kasi ang mga tanawin doon.

"Depende po, kung hindi traffic ay mabilis lamang." Tumango lang ako at sinandal ang sarili para mag relax. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Senyorita. Nandito na po tayo."

Dinilat ko ang mga mata at isang malawak na karagatan ang sumalubong sa akin. Lumabas ako ng sasakyan at saka ko tinanaw ang kulay kahel na kalangitan. Hudyat ng palubog na ang araw. Gumagabi na pala.

"Pasok na po tayo senyorita."

Saglit muna akong nanatili at tinanaw ang malawak na karagatan bago magpasya ng pumasok sa loob ng bahay. Marami-rami rin ang bahay dito ngunit medyo may kalayuan ang agwat ng bawat isa.

"Mag pahinga na po muna kayo, senyorita. Ipinahatid ko na po kay Omeng iyong maleta ninyo sa inyong silid."

"Salamat po manang."

"Nakikiramay po pala ako sa nangyari sa inyong ina, senyorita. Paumanhin po kung hindi ako nakapunta sa kanyang libing," malungkot na sabi niya saka hinawakan ako sa kamay.

"Okay lang po iyon manang. Nangyari na ang nangyari." Nag-iwas ako ng tingin.

Remembering those painful memories again of what happened back in Manila. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa si Papa dahil sa kanyang ginawa. I love my father so much. Kaya gano'n na lang kasakit para sa'kin na malaman na ang taong mahal na mahal ko ay siya ring sumira sa pamilyang inaalagaan niya ng matagal.

Nagpapasalamat ako kay Omeng nang nakasalubong ko siya pababa. Ganoon rin ang ginawa ko kay Aling Ninita, kailangan kung mag pahinga dahil sa kakaibang nararamdaman. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at tingin ko ay inaantok na naman ako.

Umaga ng nagising ako dahil sa biglang pag baliktad ng sikmura ko, nagsuka na naman ako ng nagsuka sa sink sa loob ng banyo. Nanlalabo rin ang paningin dahil sa sobrang sakit ng ulo. Naghilamos ako pagkatapos at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Sobrang putla ko na, pakiramdam ko ay magkakasakit ako anumang-oras.

Hey, Professor  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon