TRIGGERED WARNING ⚠️ SPG
--------------------
TIRED
Yumuko ako sa harapan ng anak ko. Nasa likuran ko na ngayon si Walter. "Baby, 'di ba Mommy promised to you na hahanapin ko si Daddy? Tapos ay ipapakilala kita to him?"
Tumango ang anak ko, "Opo, did you finally find him?!"
Kumislap ang kanyang mga mata. Tumango ako naluluhang muli, nalipat ang tingin ko kay Walter habang seryosong nakatingin sa amin. He's reddish eyes prove how much he wanted to cry again. My son looked at him with a wondering reaction.
I swallowed hard. I cleared my throat.
"He... He is your daddy anak," nanlalaki ang mga mata ng anak ko at maluha-luhang siyang tumingin kay Walter. Pumatak naman ang isang butil ng luha galing sa mga mata ko ng dahil doon.
Umawang ang labi ng anak ko nang muling nag-angat ng tingin kay Walter. Nanginig ang kanyang labi at mabilis na namula ang kanyang mga mata.
"D-daddy? You... da-daddy!"
Tumango si Walter saka ito pumantay sa anak namin bago mabilis itong niyakap ng mahigpit. Ang tanging pag-iyak lang ng anak ko ang naririnig namin sa loob ng buong kwarto. Mabilis kong natakpan ang bibig gamit ang dalawa kung kamay.
"Why? Why didn't you tell me earlier, daddy!"
"Daddy! You are my daddy?" He sobbed. Walter tapped our son's back, ani mo'y pinapatahan niya ito.
"Where have you been?" Sunod-sunod na tanong ng anak ko. Patuloy ang pag-iyak. Even Walter is now crying panay ang bulong sa anak namin, hindi ko maintindihan kung ano iyon. Pareho kaming nakatingin ni Papa sa dalawa.
"I'm sorry, Daddy is here now. I'm sorry.. I love you," Walter whispered, still hugging our son.
Narinig ko na pinapatahan niya ang anak namin sa pag-iyak.
"Daddy won't leave you again, I'm sorry." Hinalikan niya ang ulo ng aming anak, bago ito tumingin sa akin na may namumulang mga mata.
Kung hindi sana nangyari ang mga iyon. Kung sana ay hinintay ko siyang mag paliwanag muna. Kung sana ay hindi ako nag padalos-dalos sa mga ginawa ko. Pero huli na, nangyari na ang nangyari. We've missed those four years without being in each other's arms.
Malay ko bang hindi siya iyon.
I didn't even know that he has a brother o hindi ko lang talaga siya kilala noon, ngayon pa lang. Hindi naman ako nagtatanong tungkol sa pamilya niya at sa kanya. I chose not to ask him, kasi gusto kung siya mismo ang mag kwento no'n. Is it wrong?
It wasn't not my thing to meddle with someone's life. Kahit boyfriend ko pa 'yan. Because, if the person truly loves you, no matter what happened, they'll tell everything you need to know about them. Hindi naman lahat kailangan nilang sabihin kasi privacy nila 'yon.
Pero ako sinasabi ko ang lahat ko sa kanya.
Walter drove us home. It's already 10 in the evening when we arrived. Agad kaming dinaluhan nila Yaya para tulongan na maka akyat ng kwarto si Papa, Walter helped too.
"Daddy, are you going to sleep here?"
Walter eyes meet mine with a questionable look. Bago pa ako makapag salita ay naunahan na niya ako.
"Yes. Is that okay?"
Hindi ko alam kung para saan ang tanong na 'yon, sa akin o sa anak. Pero ang anak ko ang sumagot kalaunan.

BINABASA MO ANG
Hey, Professor (Completed)
RomancePART-I // "UNTIL DEATH DO US PART." How could you easily fall in love with someone you barely knew? How could someone turn your head and make your heartbeat fast without doing anything? How could you fully trust someone who only does was to make yo...