MANILA
"Good morning, Mommy!" masayang bati ng anak ko.
"Morning baby, you ready? We're going to Manila after our breakfast. Did you pack all of your things?" sabi ko, habang naglalagay ng pagkain sa plato niya.
"Yes, po."
"You eat na, anak. Kayo rin po Aling Ninita," sabay-sabay kaming kumain. Panay lang ang tingin ko sa anak ko habang ganadong-ganado sa kinakain. Napangiti ako nang dahil doon.
Ilang linggo matapos ang pagbisita ni Alvin dito. Tumawag siya kagabi para sabihin na dinala na naman sa hospital si Papa. Napapadalas nitong mga nakaraang linggo. I made up my mind, I will go back to Manila, today.
Years had passed and I already forgave my father. Ayoko na dumating ang araw na pagsisihan ko na hindi ako nagpakita kay Papa.
Panahon na rin siguro para makilala ni Papa ang ang nag-iisang apo niya. It's been 4 years, Hyacinth. Siguro ay may asawa na iyon. Baka nga ikinasal na iyon doon sa babae niya.
I am not hoping for us, all I could think was my son. Paano tatanggapin ng anak ko kapag nalaman niya na may iba nang pamilya ang kanyang ama.
Napahugot ako ng isang malalim na buntong hininga. Habang hinihintay ang anak ko na lumabas sa banyo.
Muli na namang lumipad ang isip ko sa ama ng anak ko.
Wala na rin akong naging balita sa kanya simula pa noon. Ayokong mag tanong kay Alvin ng tungkol sa kanya. Pero noong ilang buwan pa lang akong nandito ay nabanggit ni Alvin na pumunta raw sa kanya si Walter, he is asking about me. Mabuti na lang at hindi nagsalita ang pinsan ko.
"Sigurado po ba kayo na hindi kayo sasama Aling Ninita? Wala po kayong kasama rito. Nando'n naman po ang anak ninyo sa mansyon, ayaw niyo po ba siyang makasama?" I ask her. Nandito na kami sa Airport ng Davao.
Tumawag na rin ang pinsan kong papunta na ng NAIA para sunduin kami. Napag-isip-isip ko na mas mabuti kung sa Mansyon na lang kami manirahan ng anak ko. Tutal ay ilang araw na lang i-uuwi na si Papa. Mas mabuti kung ako na lang muna ang mag-alaga sa kanya.
"Hindi na po senyorita, dito na lamang po ako at walang magbabantay sa bahay sa Isla. Senyorito... hanggang sa muli nating pagkikita." My son hugged Aling Ninita, sa tagal nilang mag kasama ay itinuturing na rin niya itong lola. "Mag-ingat po kayo, senyorita."
Tumango ako at yumakap na rin sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Para ko na rin siyang naging nanay sa pamamalagi ko sa bahay niya. Siya ang tumulong sa akin na mag palaki sa anak ko. Noong mga panahong hirap ako dahil malaki na ang tiyan ay siya ang umasikaso sa akin. No'ng sanggol pa lamang si Kit ay minsan siya ang nag-aalaga kapag naka katulog ako dahil sa puyat sa pag-aalaga sa anak. Paminsan-minsan naman ay si Omeng, kapag hindi ito abala sa trabaho.
"Salamat po ng marami," mababang boses kong sinabi. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mga mata. Maluha-luha na ngumiti si Aling Ninita saka humawak sa mga kamay ko.
"Para ko na rin po kayong anak senyorita, huwag niyo na po 'ng isipin iyon." Tumango lang ako at ngumiti.
"Salamat din sayo," I looked at the man beside her. Omeng, may asawa na rin ito at buntis na rin. Omeng was the only one who brought me into the hospital noong panahong manganganak na ako. Madalas din siya sa bahay no'ng buntis pa lang ako, at madalas ay siya ang bumibili ng mga prutas na gusto ko, dahil sa paglilihi. Mabuti na lang at hindi niya naging kamukha ang anak ko.
Pinigilan ko ang mangiti sa isiping iyon.
"Maliit na bagay senyorita, mag-iingat po kayo doon." I hug him. He hugged me back, saka nito ginulo ang buhok ng anak ko.
BINABASA MO ANG
Hey, Professor (Completed)
RomancePART-I // "UNTIL DEATH DO US PART." How could you easily fall in love with someone you barely knew? How could someone turn your head and make your heartbeat fast without doing anything? How could you fully trust someone who only does was to make yo...