CALL
This was my second month as an intern here in the hospital. Enjoy at the same time pagod, lalo na at masyadong malaki ang hospital mahirap kapag warding masyadong marami ang pasikot-sikot, maraming rooms na kailangang pasokan. Kaya pagdating ko sa apartment after mag linis ng katawan ay nakakatulog na ako kaagad. I don't skip food kaya madalas din akong magpadeliver na lang. But this month, my schedule changed pang-umaga na ako ngayon, not unlike the first month here laging pang gabi.
Walter and I are still connected to each other. Palagi pa rin naman kaming nagka kausap through phone calls and text. I missed him so much, I wonder what he's doing right now. Umalis na rin daw siya sa pagtuturo noong mag end ang semester. Ang sabi niya ay hindi naman daw talaga siya nagtuturo kung hindi lang dahil sa pinakiusapan siya ng Uncle ni Luke. And Luke also, his best friend. I am still thinking where is he now.
Ano na kaya ang ginagawa niya?
Alas kwatro ng matapos ako sa duty. Inayos ko ang pagkakalagay ng bag ko galing pa akong washroom para tanggalin ang pagkakatali ng buhok ko. As an intern you must look clean and presentable in front of your patients. Hindi pwede ang nakaladlad ang buhok at mahahabang kuko. Nasa hallway ako ng may pamilyar na bulto akong nakita. Seeing him walking in front of me makes my heart beat fast. Mr. Walter Kane wearing he's colored black shirt walking like no one is looking at him in the middle of the hallway.
"Hey," salubong niya sa akin ng makalapit. He smiled widely. That dimples again!
"H-hey, why are you here?" I blinked twice just to make sure if this was really happening.
"Sinusundo ka, you done?" he softly said. "Let's go,"
"H-huh," naguguluhan kong sinabi.
"Hmm," lumapit siya sa 'kin at may ibinulong sa tainga ko. "I missed you," naninindig ang mga balahibo ko.
Bumilis na lang ng bigla sa pagtibok ang puso ko ng dahil doon. After a month of not seeing each other, tapos biglang nandito na siya ngayon sa harapan ko. I can't believe it! Wala sa sariling napayuko ako bago kagatin ang ibabang labi ko. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko. Kinuha niya ang dala kong shoulder bag at siya ang nagdala no'n. Ang tanging nagawa ko na lang ay titigan siya habang ginagawa 'yon. Wala siyang pakialam kung may mga mata mang nakatingin sa 'min.
Gusto ko siyang yakapin... pero hindi ko magawa. Pinangungunahan ako ng hiya, at baka kung ano ang isipin niya, hindi naman kami at hindi rin naman siya nanliligaw sa'kin. Ano ba kami? Text mate? Call mate?? Uso pa pala 'yun?
Nakasakay na kami sa kanyang sasakyan. Bago to! Hindi na Ducati.
"Saan tayo?"
"Kakain, how are you?"
"I'm fine, ikaw? I'm sorry masyado akong naging abala kaya hindi ako masyadong nakaka-reply sa 'yo this passed few weeks."
Madalas nakakatulog ako at nakakalimutan ko ng i-check ang phone ko. Sa sobrang pagod ko ay diretso na ako sa pagtulog pagkapos kong maghugas ng katawan.
"Naiintindihan ko," tumatangong sabi niya habang naka focus sa pagmamaneho.
"Is this yours?" Pagpasok ko sa sasakyan.
"Hmm, nagustuhan mo?"
He parked the car. Hudyat na dumating na kami sa pupuntahan. Lumingon siya sa 'kin habang inalis ang seatbelts. "
Where here,"
"H-huh, uh yeah," nataranta kong sabi, narinig ko ang pagtawa niya. Kaya mabilis ang paglingon ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Hey, Professor (Completed)
RomantikPART-I // "UNTIL DEATH DO US PART." How could you easily fall in love with someone you barely knew? How could someone turn your head and make your heartbeat fast without doing anything? How could you fully trust someone who only does was to make yo...