CHAPTER 24

167 4 0
                                    

Im here sa room ko kahit alam kong may practice kami now sa school for the preparation of our graduation. Tinatawagan ako ni jen kaya lang panay lang ang iwas ko sa cp ko. Tinatamad ako na parang gusto ko dito lang ako sa room ko maghapon at matulog ng matulog ng matulog ng matulog lang.

May narinig akong kumakatok sa room ko kaya ko tinanong kung sino ..si yaya pala sinasabing may bisita daw ako si aidan.

Yaya tell him na diko sya gustong makausap.

At lumabas na nga si yaya sa room ko. Pagkalipas ng 3 minuto may kumakatok na naman.

Yaya pasok na poh. Ano po ba umalis na po ba sya? Sabi ko na diman lang tumitingin sa kanya dahil abala ako sa pag pe facebook sa laptop ko.

Walang sumasagot dahilan para tumingin ako sa likod ko para lang mabigla sa makikita ko.

It was aidan.

What are you doing here!?pagalit kong tanong.

Ney im sorry na please?

Tinignan kolang sya at tinanong kung sino si tricia. Sinagot naman nya ako na a friend way back then.

Tumalikod ako at pinagpatuloy ang pag e fb ko ng maramdaman kong may humiga sa kama ko. Humiga sya don at pumikit. Pinabayaan kolang sya dahil nasa study table naman ako nakaupo eh.

Nung matapos ako after 45 minutes tinignan ko ang honey ko. Tulog na tulog na sa kama ko. Napabuntong hininga ako at tumayo na para tanggalin ang kanyang mga sapatos at medyas. Nung natanggal ko na saka ko sya kinumutan.

At lumabas ako ng room ko at pumunta ng kusina para kumuha ng maiinom. Pagkatapos bumalik na ako sa room ko. Tulog na tulog pa din si aidan. Pinagmasdan ko sya sa mukha at napansin kong may eye bags sya parang di sya natulog buong magdamag. Umupo ako sa kama ko sa may kabilang side at hahaplusin kona sana ang kanyang mukha ng bigla syang gumalaw at bumaling sa kabila.

Hinayahan ko syang matulog at ng bandang mag la lunch na gigisingin ko na sana sya ng biglang paghawak ko sa kamay nya para akong napaso. Bigla kong hinawakan ang noo nya at yun nga mainit nga sya.

Bumaba ako para kumuha ng maligamgam na tubig at magpaluto ng soup kay yaya. Pagkalapag ko sa palanggana na may maligamgam na tubig kumuha ako ng towel pra gamiting pampunas sa kanya.

Pinupunasan ko sya ng bigla syang magising. Hinawakan nya kamay ko at hinalikan. Sinabi ko sa kanya na nilalagnat sya kaya ko tinuloy ang pagpunas sa katawan nya ng maligamgam na tubig.

Ney im cold.sabi nya.

Tumayo ako at pinatay ang aircon at sinabi ko sa kanyang hintayin lang ang pinaluto kong soup kay yaya para mka higop sya ng mainit na sabaw bago uminom ng gamot. Kumuha din ako ng comforter sa closet ko at kinumutan sya ng bigla nya akong kabigin pahiga kaya ako napahiga sa tabi nya habang yakap nya ako. Ramdam ko ang init ng katawan nya sa katawan ko. Kaya ko sya niyakap na din para kahit paano mawala ang panlalamig nya. Ganun daw kasi pag nilalagnat ka mainit ang katawan mo pero nilalamig naman pakiramdam mo.

Nung dumating si yaya dala na nya ang sopas na mainit at gamot na rin para sa lagnat.

Sinubuan ko sya ng mainit na sopas at nung maubos na nya saka ko sya pina inom ng gamot.

At tuluyan na nga ulit syang nakatulog. Tinawagan ko na din sina tito ford at sinabi na nilalagnat si aidan at nandito sya sa amin at natutulog na. Sinabi konarin na napa inom kona din sya ng gamot kaya wag na silang masyadong mag alala.

At hanggang gumabi na patuloy parin akong nagbabantay kay aidan. Nag aalala ako sa kanya kaya patuloy ko syang binantayan hanggang diko na namalayan 1am na pala

A/N

SORRY GUYS NOW LANG PO AKO ULIT NAKAPAG UPDATE..BUSY PO KASI AKO DAHIL MIDTERM NAMIN..

THANK YOU FOR READING THE STORY..PLS FOLLOW ME PO AND DO VOTE AND COMMENT LANG PO..

:-)

fallen for my arrogant professorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon