CHAPTER 30

149 2 0
                                    

Aidan pov

Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang katxt ko si ashley. Dahil may lakad kami bukas. Pupunta kami ng mall at bibili daw sya ng dress na susuotin nya sa kanyang graduation day.

Matapos kong mailagay sa bedside table ko ang cp ko para matulog na sana ako ng biglang nag ring. Kinuha ko sa pag aakalang si ash ang tumatawag at siguro mag gugud night sa akin. Kumunot ang noo ko ng nakita kong hindi si ash ang tumatawag kung hindi si kim. Wala akong balak sagutin ang tawag nya kaya ibinalik ko nalang sa bedside table ang cp ko.

Naalala ko ang biglang lumitaw sa isip ko ang mukha ni kim kanina . The truth is oo maganda parin sya hanggang now. Hanggang sa bumalik ang nakaraan at naisip ko kung paano kami nagkakilala ni kim.


Flashback

Sa garden naglalaro ako ng aking dalawang malalaking robot. Nasa isang subdivision ang bahay namin kaya lahat ng bahay dito halos malalaki at may mga bakod at gate.

Nilagay ko muna ang dalawang robot ko sa may upuan sa may garden namin dahil papasok ako sa loob ng bahay namin para kunin pa ang mga kalaban ng aking mga robot. Paakyat na ako ng hagdan ng sumilip si mommy galing sa kusina.

Aidan baby gusto mo na bang magmiryenda

Not yet mommy.

Tumuloy na ako sa pag akyat papuntang kwarto ko para kunin ang mga laruan ko. Nung makuha ko na lumabas na ulit ako at pumunta ng garden bitbit pa ang mga laruan ko.

Tahimik akong naglalaro ng biglang may narinig akong umiiyak at tahol ng tahol ang aso namin sa may gate. Lalong lumalakas ang iyak ng bata habang tahol lng ng tahol ang aso namin. Lumapit ako para tignan kung anong nangyayari at para malaman narin kung bakit iyak ng iyak yung bata. Nasa loob naman ng bakuran yung aso namin na si blacky eh.

Nung makalapit na ako nakita ako ng bata at tumigil sa pag iyak. Binawalan konarin sa pagtahol ang aso namin. Unang tingin ko palang sa batang babae oo isang batang babae na kasing edad kolang siguro dina maalis sa mukha nya mga mata ko. Napakaganda nya maputi sya na may mga matang bilog mahaba ang kanyang mamasa masang pilikmata dahil sa pag iyak nya kanina. Mahaba din ang kanyang buhok na may pagka blond. Napahiya ako ng biglang magsalita ang batang babaeng nasa harapan ng gate namin.

Can you pls get for me my ball?please? sabi nya sa akin.

Saan ba? Tanong ko sa kanya.

There oh? Sabay turo nya sa ball na kulay pink na nasa may paa ni blacky kaya siguro sya umiiyak dahil di nya makuha ang bola nya.

Kinuha ko ang bola nya at binigay sa kanya. Nagpasalamat sya at mukhang aalis na ng tinawag ko.

Sandali.sabi ko na nagpalingon sa kanya at ngumiti ako at tinanong kung ano pangalan nya. Sinabi nyang Kimberly Flores ang name nya. Tinanong nya din ako kung ano name ko sinabi kong ako si Aidan Fortalejo.
Ngumiti sya at nkipagkamay sa akin at nagpaalam na sya na uuwi na. Nakita ko sya kung saan sya umuwi sa tabi lang ng bahay namin pla sya nakatira. Anak sya nung babaeng bagong lipat sa tabi ng bahay namin nung isang linggo.

Simula noon lagi na kaming magkalaro at naging matalik kaming magkaibigan.

Dumaan pa ang mga araw buwan at taon hanggang sa maka graduate na kami pareho ng high school.

Congratz sayo aidan.

Sayo din kim. So ano na tuloy na ang pagkuha natin ng parehong kurso ha? Para magkaklase parin tayo.

Bigla syang nalungkot at tumingin sa akin ng diretso at sinabi nyang oo naman syempre.

Naging masaya kami ni kim sa aming bakasyon until one day.

Pinuntahan ko sya sa kabilAng bahay ngunit walang tao at nung nakita ako ng kapitbAhay namin sa tapat sinabi nya sa akin na umalis naraw ang mag inang nakatira dito sa bahay na to papuntang london. Bigla akong nanghina at biglang tumulo ang luha ko dahil sa wala na daw sina kim. Ang masakit hindi man lang niya sinabi sa akin.


Bumalik ako sa kasalukuyan ng biglang mag ring nanaman ang cp ko. Kinuha ko at tinignan kung sino ang tumatawag ng makita kong si ash ang tumatawag napangiti ako.

Hello ney?

Honey sleepy na ako tumawag lang ako para mag gudnyt sayo.
Goodnight honey I love u.uhmuuuuuaaaaah.c u tom sunduin mo ako dito sa bahay.

Uhm ok ney 8am andyan na ako tom.gudnyt ney I love you more.uhmuuuuuaaaaah.miss u.


A\N

Sorry if now lang po ako nag update.sensya po busy lang po masyado. Thank you po sa mga patuloy na sumusuporta sa story at sa mga patuloy na nagbabasa ng story maraming salamat po.

Thank you din po sa mga nag follow sa akin.

Pls dont forget to leave your comment and pls do vote.thank you.God Bless us..:-)

fallen for my arrogant professorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon