kabanata 1

17K 346 29
                                    

Crown

"Leave! I don't have a daughter na  nag pabuntis lang kung kani-kanino!"

Umiiyak na napahawak ako sa tiyan, Pilit na pinapakalma ni Mommy si Daddy sa harap ko.

"D-ad..I'm sorry.."Sambit ko. Matalim ang matang tiningnan niya ako.

Dinuro niya ang pinto.

"Hindi ka makakabalik sa pamamahay na 'to hanggat wala kang hinaharap sa akin na ama ng anak mo! Tandaan mo yan!" Halos maputol ang litid ni Daddy sa sigaw niya.

"D-addy.. Please po.. Hayaan mo kami ng anak ko dito.. Wala kaming mapupuntahan.."Halos lumuhod ako sa harap niya  para payagan ako at ang anak ko sa sinapupunan.

Nalaman kong buntis ako ng sumunod na buwan hindi na ako dinatnan.

"No! Kasalanan mo yan! Wala ka pang ibubuga tapos magpapabuntis ka? Nakakahiya ka.."

"Dante.. Huwag mo namang pag salitaan ng ganyan ang anak natin." Naiiyak na wika ni Mommy kay Daddy.

"Hayaan mo yan! Tutal buntis na paniguradong kaya na niya sarili niya."

"Daddy.. Please..  Parang awa mo na kahit para sa apo mo nalang.."Hindi ko na napigilan at napahagugol.

"Learn from your mistakes Bridget.." Tanging sabi niya at pumanhik sa taas.

Umiiyak na napaupo ako  sa sahig.

"I'm sorry anak.. Pangako tutulungan ko kayo ng apo ko sa lahat ng makakaya ko."Hinagkan ako ni Mommy.

"Mommy! I'm done na!"Napabalikwas ako sa gulat kay Stefanos my 2 years old son. Kulay berde ang  mata at brown ang buhok.

"Are you sure na wala ka ng naiwan?"Nakangiti kong tanong. Ngumuso siya at lumingon sa paligid.

I chuckled because of the cuteness of my son.

Pinisil ko ang pisngi niya sa pangi-gigil.

"That howt mommy!" Napahalakhak ako sa nakasimangot niyang mukha.

Sa edad na dalawang taong gulang sa letrang 'R' siya bulol.

"Let's go." Aniya ko at tumayo. Sinampay ko ang malaking itim na bag sa kanang braso ko at kinapa ang maleta sa gilid namin.

Simula nang umalis ako sa puder ng magulang ko, Para akong bumalik sa umpisa.. Walang pera walang matitirahan. Nag Aaral pa ako non kaya no choice ako kundi huminto ng isang taon dahil sa pagbubuntis.

Binigyan naman ako ni Mommy ng pera noon pero sapat lang yun para sa matitirahan  at pangangailangan ko. Nagtrabaho  ako online habang pinagbubuntis si Stefanos. Umaasa ako sa mga online work sa pang araw araw ko noon.

Kaya  nang mag isang taon siya bumalik ako sa huling taon ko sa course at pinagpatuloy since isang taon na lang naman.

Naghanap ako ng sideline. Estudyante sa umaga, Waiter sa hapon at nanay sa gabi. Kinaya ko lahat ng pagod at hirap.

"Mommy?" Inayos ko ang upo niya sa jeep ng malapag ang mga gamit. Kita ko ang pagkairita ng ibang pasahero sa malalaking bagahe na dala ko pero who cares?

"Yes baby?"

"Saan na  tayo titira?"He innocently said. Masyado pa siyang bata para mamulat sa realidad ng buhay.

"Naghanap ako ng new apartment na rerentahan natin sa online kagabi. Doon tayo pupunta ngayon."He sigh and nodded.

Pangatlong beses na kami napalayas sa nirerentahan naming apartment. Hindi na kasi sapat ang kinikita ko sa pagwa-waitress sakto naman ay graduation na namin next week kaya makakahanap na ako ng trabaho.

The Crown's Descendant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon