Dinner
“GOOD morning, Papaalala ko lang na inumin mo yung gamot mo.” I hit send.
It’s Saturday today, Naka plano na ang gagawin ko. I-tratrain ko si Chryses for the Binibining Pilipinas. Ituturo ko ang naisip kong Twist na tatak sa madla.
After namin magtraining mamaya,Uuwi muna ako para iuwi si Stefanos at tutungo na sa Napag planuhang Dinner with Co-workers.
“Baby..”Nilaro laro ko ang matabang pisngi ni Stefanos, Nakaawang ang cute nitong labi habang tulog pa din.
“Hmm.”He half open his cute eyes at sinarado uli.
I chuckled at his cuteness.
“I am going to see Tita Beauty, Don’t you want to come with me?”Hinimas himas ko ang malambot niyang tiyan.
“Tita Beauty?”Mahinang ungot niya.
“Yes baby..”
Hindi siya nagsalita na mukhang inaantok pa talaga ang anak ko.
“Mukhang ayaw mo naman sumama, Aalis na ako.”Pananakot ko. Napangiti ako ng magmulat siya at tumingin ng diretso sa akin.
I raised my brows at him when he spread his little arms.
“Carry me.” Nakangusong sabi niya. I chuckled then lean in to carry him.
“Aguy!! Ang pangit mo naman sa umaga anak.”
Natatawang sambit ko sa kanya dahil sabog sabog ang kulay brown na buhok at pungas pungas pa ang mukha.He glared at me.
“I’m not!” Natawa ako sa sinabi niya at pinunasan ang laway sa pisngi. Pinaliguan ko si Stefanos habang naghahain si Ate lina ng Breakfast.
“Turn around baby.”I said at sinabunan ang likod niya.Medyo nahihirapan ako magpaligo dahil sa maliit na banyo.
“Mommy,Before we go to Tita beauty. Can we buy a toy?”He asked. His Green eyes look hopeful as he looked at me.
Nilagyan ko ng shampoo ang kamay at nilagay sa buhok niya.
“Ahuh? What toy do you want?”Tanong ko sa kanya habang nakatuon ang mata sa pagsha-shampoo ng buhok niya.
Lumapad ang ngiti niya at hinaplos ang mukha ko.
“I want a Batman toy!”I chuckled.
“Okay, Later we will buy that but for now close your eyes.”Pumikit siya habang nakaupo sa batcha.
Binanlawan ko siya ng maligamgam na tubig, Bawal sa kanya ang malamig na tubig dahil mabilis siyang pasukan ng lamig sa katawan.
Halos mag-panic ako noon ng umiyak siya dahil sa sakit ng tiyan, Tinawagan ko pa si mommy ng dis-oras ng gabi para itanong kung bakit ganon.
Dun ko nalaman na bawal pala sa kanya ipaligo ang malamig na tubig.
Tinuyo ko ang katawan niya bago suotan ng pang alis na damit. Pinulbuhan at pinabanguhan ko muna siya bago ipapunta kay Ate Lina.
Kumuha ako ng damit sa Cabinet bago tumungo sa banyo para maligo. Nagtagal ako sa banyo dahil ngayon lang uli ako naka ligo sa maligamgam na tubig sa gripo.
Kapag madaling araw sobrang lamig ng tubig kaya lagi akong nilalamig papasok sa opisina.
Humarap ako sa salamin ng matapos maligo. I did my make up and pack important things.
Si Ate Lina ang nagpapakain kay Stefanos habang nag aagahan kami. Hindi namin isasama si Ate Lina mamaya para makapag pahinga naman siya.
“Bye yaya!” Kumaway si Stefanos sa yaya niya na hinatid kami sa sakayan.
BINABASA MO ANG
The Crown's Descendant (COMPLETED)
RomanceBridget Clemenza is the only child of the Mayor of Pasig, Was a College student when her life changed because of the one night stand. She bear a child without knowing who is the Father. She only knew that her Son's father has a Crown tattoo in his...