kabanata 21

11.7K 239 7
                                    

The crown's  descendant

BUMALIK ako sa cubicle pagkatapos namin magusap ni Eros, dahil madami ang nakatambak na trabaho sa akin sinimulan ko na iyon para mabilis matapos.

Maghahanap kasi ako sa online ng Birthday party theme para sa nalalapit na birthday ni Stefanos. Hindi na din naman ako nahihirapan sa financial dahil malaki ang sweldo ko dito sa kumpanya ni Eros.

Mahigit tatlong buwan na din nung huli kong nakausap si mommy, dahil naging busy ako hindi ko man lang siya magawang tawagan o i-text para  kamustahin.

Maging si Chryses na nasa ibang bansa ay hindi ko na din magawang kamustahin, Siguro pagkatapos ng lahat ng ito at naamin ko na kay eros.

This past few days ben always convince  me  to tell the truth to Eros, First gusto ko ng aminin pero nagdadalawang isip ako ngayon dahil sa biglang pagdating ni Mean.

Ayokong may problema kami sa nakaraan ni Eros kapag pinakilala ko siya sa anak namin, Gusto wala na kaming ibang iniisip kundi ang anak namin.

"Cris,paabot nga ako ng stapler. "Aniya ko.
Tumango si Cris at walang lingon lingon na inabot sa akin ang stapler.

I sighed at pinunasan ang tumulong pawis,nilapag ko ang stapler at nilapag ang papel sa gilid.

Biglang Nangati ang lalamunan ko,inabot ko ang tumbler.

"Tss"mahinang angal ko nang makitang walang laman iyon. Tumayo ako dala dala ang tumbler para mag-refill ng tubig.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng tubig nang  tumunog ang phone ko. Hindi ko iyon pinansin at tinuon nalang ang pansin sa tumbler.

Sinilip ko ang phone kung tumawag uli pero hindi kaya hindi ko nalang iyon pinansin at bumalik sa cubicle

Naginat ako at sinimulan uli ang trabaho.

"Bridget, lunch na. "Nagangat ako ng tingin kay Ria at napatingin sa orasan.

Alas dose na pala,tumango ako at tumayo.Inayos ko muna ang mga papel bago binitbit ang phone at wallet.

"Wait, Tatanong ko lang si Eros. "Sabi ko sa kanila tumango sila at inantay ako.

Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa secreatary ni Eros at nagtanong.

"Hey, andiyan ba siya? "Tanong ko.

"Wala siya dito,Bridget.bigla nalang umalis kanina e." Ngumuso ako at nagpasalamat.

Habang naglalakad ako pabalik kila Cris. Iniisip ko kung san pumunta ang lalaking iyon at hindi man lang nagpaalam sa akin.

"Asan daw si Eros?"Tanong ni Cris nang makasakay kami ng elevator.

Sumimangot ako sa kanya.

"Umalis daw. "matabang na sabi ko

"Baka nambabae? "Nakangising asar ni Ria

"Gago! "Inis na sabi ko at binatukan siya.

Sabay sabay kaming lumabas ng elevator at pumasok sa loob ng cafeteria.

As usual nauna na naman sa akin ang dalawa, nasa kalagitnaan ako ng pagkuha ng kanin nang tumunog ang phone ko. Gamit ang kabilang kamay kinuha ko ang selpon sa bulsa.

Ngumiti ako sa naglalagay ng pagkain at tumango.

"Hello?"Bulong ko habang pinapanood maglagay ng ulam sa plato ko.

"Ma'am bridget si Stefanos po nawawala."
Nataranta sabi ni Ate lina sa kabilang linya.

Parang bomba sa pandinig ko ang narinig dahilan kung bakit kumabog ng malakas ang dibdib ko.

The Crown's Descendant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon