Kuripot
HUMINTO ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay.buhat buhat si Stefanos bumaba ako ng sasakyan
"Thankyou. "Ani ko nang pagbuksan ako ni Eros ng pinto. Hindi siya umimik bagkus nakatitig lang sa anak namin na ang mga mata nakatuon sa malaking bahay.
Bitbit ni Ate lina ang gamit niya dahil si Eros ang may hawak ng mga gamit namin ni Stefanos.
Naunang pumasok si Eros sa loob kaya sumunod nalang ako sa kanya habang nililibot ang tingin.
Black and white ang thema ng bahay,Dalawang palapag.
"Mommy? "Tawag sa akin ni Stefanos.
Ngumiti ako at nilingon siya.
"Why baby? "Ngumuso siya at nilibot ang tingin bago binalik muli ang tingin sakin
"Eto po ba yung house ni daddy? "
"Yes"Tumango siya.
Pinagbuksan kami ng pino ni Eros, Bumungad ang malawak na living room at nakakapamulantang ng hagdan na nandoon sa gilid.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid.
"Come. "Tumango ako kay Eros at sumunod sa pagakyat niya, Nahihirapan akong umakyat dahil kay Stefanos.
Ang bigat na ng baby ko jusme.
Napaangat ako ng tingin kay Eros nang bigla siyang huminto sa pagakyat.
"Bakit? "Hindi siya umimik bagkus seryosong bumaba at tumungo sa likod ko.
"Aalalayan kita sa likod, Para hindi ka mahirapan."
Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi at tumangoBinaba ko si Stefanos nang maka akyat ng Second floor. Hawak hawak si Stefanos sumunod kami sa kanya.
"This gonna be Stefanos room, Papalagyan ko pa ng desinyo na gusto niya."Tumango ako kay Eros dahil sa akin siya nakatingin. yumuko ako kay Stefanos at hinarap siya sa kwarto.
"Baby,look yan daw magiging room mo,Sabi ni daddy. "Nakita kong lumamlam ang mata ni Stefanos at bumahid ang saya sa kanyang mata.
"Anong sasabihin mo kay daddy? "Ngumuso siya at yumakap sa akin.
"Haha, Shy? "Natatawa kong tanong,Nakita kong tumawa ng mahina si Eros habang nakatingin sa anak namin.
"Eros, Ayaw ata ni Stefanos ng maraming toys sa kwarto niya."Kunyaring saad ko kay Eros, Ngumisi siya sa akin nang makuha ang nais ko iparating.
"Sayang, Balak ko pa naman siya bilhan ng maraming batman tapos superman. "Naiiling na sabi ni Eros habang nakatingin sa anak namin na nakayakap pa din sa akin.
"Supewman? batman? "Nagangat ng ulo si Stefanos,Malungkot na tumango ako sa kanya.
Ilang segundo niya akong tiningnan bago binaling ang tingin sa ama. Para silang naguusap gamit ang mata.
"I want Batman! Supewman?"He shouted to his dad. Natawa ako ng manlaki ang mata ni Eros sa gulat pero agad din siyang nakabawi at namuo ang isang malapad na ngiti sa labi.
"You want that baby? Give daddy a hug please?"
Lumuhod si Eros at binuka ang mga braso habang nangungusap ang mata na tumingin sa anak.Sinilip ko si Stefanos,Namimilog ang mata na nakatingin sa kanyang ama. Nakita ko ang pagaalangan sa kanyang mata.
Hindi ko mapigilan matawa nang dahan dahang lumapit si Stefanos sa ama at yumakap.
"Oh my goodness! my Son. "Parang tinusok tusok ng karayom ang puso habang pinagmamasdan si Eros na halos pigain na ang anak namin sa yakap.
BINABASA MO ANG
The Crown's Descendant (COMPLETED)
RomanceBridget Clemenza is the only child of the Mayor of Pasig, Was a College student when her life changed because of the one night stand. She bear a child without knowing who is the Father. She only knew that her Son's father has a Crown tattoo in his...