kabanata 14

10.5K 270 13
                                    

I love you

MAAGA ako nagising dahil na din siguro sa nakatulog ako ng hapon. Madaling araw na ako nakatulog kagabi kakaisip kung ano ang sasabihin ni Eros at kakaisip kung ipapagtapat ko ba sa kanya na may anak kami.

Pungas pungas pa ang lahat ng pinatawag kami ng Mc. Ikaapat na araw na namin ngayon sa isla at bukas uuwi na kami yey!

I miss my Baby Stefanos.

“Good Morning everyone! Our first activities today is 300 meter run! But this is for girls only. From here to there-Tinuro niya ang flag na may nakalagay na start at ang flag doon sa dulo- In this game, We need five girls for each team.. Tatakbo simula sa starting line hanggang doon sa flag sa dulo, Iikot then iaabot ang flag na hawak sa sunod na myembro..”

“Ang unang makatapos siya ang mananalo!”

“Sasali ako!”Matapang na saad ko. Hindi  naman sa pagmamayabang pero mabilis akong tumakbo.

Sumali din si Cris pero tumangi si Ria.

Pumila kami sa starting line. Ako ang nasa hulihan dahil ako ang pinakamabilis tumakbo.

Nasa kabilang gilid ang kabilang grupo na maangas na nakatingin sa amin, Hindi ko sila pinansin at  pinagaralan nalang ang field.

“Okay  girls.. Ready.. Set.. Go!!!”Mabilis na tumakbo si Cris habang hawak ang flag, Halos pantay lang sila ng kabilang grupo.

“Yes!”Bulong ko ng madapa ang babae sa kabilang grupo.

Mabilis na inabot ni Cris ang flag sa sumunod na myembro, nahuhuli ng konti ang kabilang grupo dahil sa din sa pagkadapa ng ka-myembro nila kanina.

“Go!Go!Go!”Sigaw ko nang madapa ang kasama namin, Mabilis naman siyang tumakbo at tumayo.

Pantay na pantay ang laban at ako na susunod sasabak. Tinali ko ang mahaba kong buhok at inayos ang tayo.

Inabot ko ang flag at malalaki ang hakbang na tumakbo, Hindi ko pinansin ang mga cheer nila.

Medyo hinihingal na ako nang makarating sa kabilang flag, umikot ako. Nilingon ko ang kalaban at pantay lang kami.

Mas binilisan ko na ang takbo.

“What the! That’s Cheating!!!”Dinig ko ang malakas na sigaw ni Eros ng hilahin ng babae ang buhok ko,Hindi ako nagpatinag bagkus binilisan pa ang takbo.

Malapit na..

Konti nalang..

“Yess!”Tumitiling nagyakapan kami nila Cris.

4 over 2 na!

Kumain muna kami ng lunch ng sumapit ang alas dose, Ang kinain namin ang mga can goods na napalanunan namin nung nakaraan.

“Kumakain pala kayo ng  sardinas?”Puna ko kila Eros at Ben na naghahati sa isang delata ngayon.

“Oo naman!”Sabi ni Ben, Sumubo ako at tumingin uli sa kanila.

“Anaka-mayaman kayong dalawa tapos kumakain kayo niyan?”Umingos silang dalawa.

“Hindi porket anak-mayaman hindi na pwede kumain nito?”Taas kilay na tanong ni Eros. Natahimik ako.

Wala akong lakas makipag biruan kay Eros lalo na at alam ko na siya ang ama ni Stefanos.

Mabilis naming tinapos ang pagkain at bumalik sa harap ng Mc.

“Kailangan niyong mahanap ang flag ng bawat grupo,Madali niyo lang mahahanap ang flag dahil sa may logo ng kumpanya. Sisisid  ang tatlong myembro ng bawat grupo sa dagat para hanapin, The first one who bring it is the winner.”

The Crown's Descendant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon